outbrain

Hirit ni John Lloyd kina Vhong at Tanya: Gumawa kayo ng maraming baby!

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

Hirit ni John Lloyd kina Vhong at Tanya: Gumawa kayo ng maraming baby!

By Ervin Santiago December 01,2019
share this

JOHN LLOYD CRUZ

KASAMA ni John Lloyd Cruz ang anak na si Elias Modesto nang dumalo sa kasal ng kaibigang si Vhong Navarro kaya naman tuwang-tuwa ang iba pang celebrities na naroon na nakipaglaro pa sa bagets, kabilang na nga riyan si Jhong Hilario na aliw na aliw pang nakipaglaro rito.

Siguradong natuwa rin ang mga kaibigan ni Lloydie nang makita siya sa wedding nina Vhong at Tanya Bautista sa Kyoto, Japan. Tawanan nga ang mga bisita sa mensahe niya sa bagong kasal, “Gawa kayong baby, pare. Gawa kayong baby, man. Gawa kayong maraming baby.

“Masaya. Parang yun yung magpapaganda sa mundo, mas marami pang babies para mapalitan ang mga katulad natin. Ha-hahaha!” ani Lloydie. Dugtong pa niya, “Gusto ko lang sundan ang sinabi ni Father kanina, sana maalala niyo ang mga sinabi niyo today, lahat ng mga binitawan niyo.”

Biro pa ni John Lloyd kaya Tanya sa dance production number nila ni Vhong sa reception, “Lahat ng mga moves mo today, Tanya, you had so much foundation para mapasayaw ka nang ganu’n.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending