outbrain

Marjorie laging nasa simbahan, dasal nang dasal

By Cristy Fermin December 01,2019
share this

Marjorie laging nasa simbahan, dasal nang dasal

By Cristy Fermin December 01,2019
share this

MARAMING nakakita kay Marjorie Barretto na nagsisimba kahit hindi araw ng Linggo. Regular siyang dumadaan sa simbahan, nakikita rin siya sa Adoration Chapel ng mga kababayan natin, bahay-simbahan lang daw ang ikot ng buhay ngayon ng aktres.

At sa isang interview ay sinabi ni Marjorie na pinapayuhan niya ang kanyang mga anak na ipagdasal na lang ang mga taong walang nakikitang positibo sa kanilang pamilya.

Lalo na si Julia na nadadamay sa mga kontrobersiya, panay-panay ang pagpapayo ni Marjorie na huwag masyadong masaktan-malungkot ang kanyang anak, dahil nandiyan naman si Lord na palaging gumagabay sa kanilang mag-anak.

Kuwento ng isang kaibigan ni Marjorie sa amin, “Napakaaga niyang gumigising, working mom talaga siya, dahil inaasikaso niya ang mga anak niya sa pagpasok sa school.

“Siya mismo ang nagluluto para sa mga anak niya, pati ang healthy food na kailangang ibaon ng mga bata, siya mismo ang nag-aasikaso.

“Anuman ang nangyayari sa kanila, e, napaka-positibo ni Marjorie. Nasasaktan siya sa mga bira sa kanilang mag-iina, pero ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat,” kuwento ng kaibigan ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending