Elaine Duran napasabak sa hamon ng I Can See Your Voice; Wacky Kiray, Angeline nagtarayan | Bandera

Elaine Duran napasabak sa hamon ng I Can See Your Voice; Wacky Kiray, Angeline nagtarayan

Ervin Santiago |November 30,2019
facebook
share this

Elaine Duran napasabak sa hamon ng I Can See Your Voice; Wacky Kiray, Angeline nagtarayan

Ervin Santiago - November 30, 2019 - 12:41 AM

FOR the first time, sasabak ang Tawag Ng Tanghalan grand champion na si Elaine Duran sa hulaan challenge sa isa na namang riot na episode ng I Can See Your Voice ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Masusubukan ngayon ang galing ni Elaine sa pagkilatis kung sinu-sino ang mga certified singer at mga seen-tunado sa bagong batch ng contestants na rarampa sa ICSYV stage. Maging epekting kaya ang gagawin niyang diskarte para matanggal ang lahat ng seen-tunado sa grupo?

Anu-ano naman kaya ang mga bagong paandar at pasabog ng mga Sing-vestigators tonight na kinabibilangan nina Wacky Kiray, Alex Gonzaga, Andrew E, Angeline Quinto at Bayani Agbayani? Makatulong kaya ang powers ng mga ito sa panghuhula ni Elaine o baka naman puro panggulo lang?!

But of course, more than the hulaan at tsugihan, kailangan n’yo ring abangan ang pampa-good vibes na batuhan ng punchlines at umaatikabong okrayan at laglagan ng mga Sing-vestigators lalo na ang tarayan nina Wacky Kiray at Angeline na siguradong ikasasakit ng tiyan n’yo sa katatawa. At siyempre, magpapatalbog ba ang host ng ICSYV na si Luis Manzano na every Saturday ay may baong pasabog sa show!

Kaya huwag na huwag aabsent ngayong Sabado night sa isa na namang espesyal na episode ng I Can See Your Voice pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending