'Mga Nunal sa Dagat' ni Howie Severino bibida sa I-Witness | Bandera

‘Mga Nunal sa Dagat’ ni Howie Severino bibida sa I-Witness

Ervin Santiago - November 30, 2019 - 12:38 AM

JAY TARUC, HOWIE SEVERINO, SANDRA AGUINALDO AT KARA DAVID

SA nakalipas na mga linggo, binalikan ng pioneering at longest-running documentary program na I-Witness ang ilan sa mga kuwentong tumatak sa viewers. Ngayong Sabado, tunghayan ang ika-limang special episode ng I-Witness bilang bahagi ng 20th anniversary ng programa.

Sa muling pagbisita ni Howie Severino sa isang maliit na isla sa Cebu, tumambad sa kanila ang isang nakababahalang eksena: isang batang nasa bingit ng kamatayan. Dala-dala ng kaniyang lolo, pilit na binubuhay ang batang nalunod. Habang sinusundan ang pagsagip, nakilala ni Howie ang lolo ng bata na si Dario. Siya ang isa sa mga nakasalamuha ni Howie noong una siyang pumunta sa isla labinlimang taon na ang nakaraan.

Noong 2004 unang tumapak si Howie sa isla ng Caubian para malaman kung paano mamuhay ang isang komunidad nang walang tubig na maiinom. Para sa ika-dalawampung anibersaryo ng I-Witness, bumalik si Howie sa Caubian para malaman kung may nagbago ba sa uhaw nilang kondisyon. Ngayon, dumoble na ang tao sa isla at tila mas naging mahirap pa ang kanilang sitwasyon. Ngunit patuloy ang buhay at pinipili nilang manatili roon kahit mapanganib.

Matutuklasan ni Howie ang isa pang isla ng Caubian na mas maluwag, mas mapuno at halos wala pang naninirahan. Ito na kaya ang sagot sa mga problema ng katabing isla? Huwag palampasin ang “Mga Nunal sa Dagat” ngayong Sabado sa I-Witness after Studio 7 sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending