Kilalang singer-actress yumaman nang bonggang-bongga dahil sa kuripot na ina | Bandera

Kilalang singer-actress yumaman nang bonggang-bongga dahil sa kuripot na ina

Cristy Fermin - November 27, 2019 - 12:39 AM

TOTOONG maituturing nang milyonarya ang isang female singer-actress dahil sa tagal na rin niya sa kanyang trabaho ay nakapag-ipon na siya nang sobra pa sa sapat para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Marami na siyang naipundar, mahusay humawak ng kanyang mga pinaghihirapan ang mga magulang ng singer-actress, lalo na ang kanyang ina na kung ilarawan ng marami ay ipinaglihi sa tiyani dahil sa sobrang kakuringan.

Kuwento ng isang source, “Maparaan ang mommy niya, ayaw niyang may nasasayang sa binibili nila, lalo na sa pagkain. Ayaw niyang may natitira na hindi mapapakinabangan.

“Kunwari, halabos na hipon ang ulam ng magkakapatid, pero may natirang ilang piraso. Hindi niya ‘yun ipakakain sa mga kasambahay nila, ipalalagay lang muna niya ‘yun sa refrigerator.

“Tsine-check niya ‘yun kung nasa ref pa rin, dahil ‘yun din ang ipasisigang niya para ibang putahe naman ang kainin ng mga anak niya. Ganu’n kasinop sa buhay si mommy,” simulang chika ng aming impormante.

Pero ang nakatutuwang kuwento ay nu’ng minsang asaltuhin ng kanyang mga fans ang pamosong singer-actress, pumara-paraan na naman si mommy, talagang nanghinayang siya sa mga ginamit na kandila ng mga faney ng kanyang anak.

Kuwento uli ng aming impormante, “Siya mismo ang humingi sa mga kandilang ginamit ng mga fans sa pag-aasalto. Bakit nga ba naman, e, puwede niyang ipagawang floorwax ‘yun?

“At ganu’n nga ang ginawa ni mommy, inutusan niya ang kanilang mga kasambahay na gawing floorwax ang mga ginamit na kandila sa asalto para sa sikat niyang anak.

“Malaking kamenosan nga naman ‘yun, di ba? Kung sa mga sahig nga lang namang simple lang at hindi naman nakikitang masyado, e, puwede nang pampakintab ang mga kandilang ginawang floorwax!

“Ganu’n si mommy, maparaan siya, mahusay siyang magmaneho ng kabuhayan showcase ng family nila. Wala siyang sinasayang na kahit ano, sa totoo lang, magaling talaga siya,” papuri pa ng aming source sa mudra ng sikat na singer-actress.

Kailangan pa ba naman ng clue kung sino ang mommy na ito? Yakang-yaka n’yo na ‘yan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, go na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending