Luis ayaw pang pakasalan si Jessy: 'Huwag nating pilitin at madaliin!' | Bandera

Luis ayaw pang pakasalan si Jessy: ‘Huwag nating pilitin at madaliin!’

Julie Bonifacio - November 27, 2019 - 12:31 AM

IPINALIWANAG ni Luis Manzano ang tunay na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa siya nagpo-propose kay Jessy Mendiola. Marami na kasi ang tila naiinip na magpakasal ang dalawa since ilang taon na rin naman ang kanilang relasyon.

Sa guesting ni Luis at Billy Crawford sa programa nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros na Magandang Buhay, bilang bahagi ng promo para sa bago nilang reality talent show na Your Moment, ay napag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa ng panganay na anak ni Lipa Cong. Vilma Santos at ni Edu Manzano.

Mismong si Billy ang nagbato ng kwestyon kay Luis kung kailan magpapakasal ang kanyang kaibigan, “Sana soon, sana talaga. Dahil ito nga si Billy Boy, nakita ko naman kung gaano din ka-happy. At siyempre, kahit paano nakakainggit yung nakikita mo yung formality ng kanilang pagmamahalan. Pero siyempre, at the same time, ayokong madaliin, ayokong pilitin,” ani Luis.

Ayaw daw niyang matulad sa ibang couples na ikinasal pero kalaunan ay naghiwalay din, “Marami tayong kilala na ikinasal, hindi nag-work out. Pag tinanong mo kung bakit, kasi ang sagot nila, hindi pa pala yun ang tamang time – pinilit, na-pressure sila sa pamilya, sa society.”

Sa Facebook Live na tsikahan nina Luis, Jessy and Cong. Vi, nabanggit ng Your Moment host na may mga nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ng kanyang mommy at girlfriend.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending