SA nakaraang presscon para sa pelikulang “Love Is Love” ay inamin ni Jay Manalo na mas gusto niya ang bading kaysa sa matrona.
Bakit nga ba niya nasabi ito? “Mas malawak kasi ‘yung kanilang pang-unawa for me, ha. Kasi kapag matrona kausap mo, mas wild mag-isip pati sa selos. Hindi katulad ng bading nakakapag-isip pa siya ng malawak na pang-unawa.”
Dagdag pa ng aktor, “Saka wala naman akong kaibigang matron, mostly mga bading din, lalaki at bading. Kaya sila ‘yung pinili ko.”
Tahasan ding inamin ni Jay na meron na siyang gay experience, “Oo naman!” At dahil may experience na siya sa bakla ay naniniwala ba siya na ang lalaking pumatol sa beki ay nagiging beki na rin.
“Sa tingin ko kung tinatago niya o nagpapakalalaki siya tapos naramdaman niyang minahal niya ‘yung bading, ‘yun ‘yun, tinago niya lang.
“Pero kung tunay na lalaki, na in love sa bading at (bading na rin), parang hindi totoo ‘yan, hindi nangyayari ‘yun. Companionship na lang. Parang hindi nangyayari at kung mayroon man, bibihira. Pero kung talagang na in love siya, alam niya sa sarili nya na ganu’n (bakla) na rin siya. Pero ang tunay na lalaki, babae pa rin ang gusto niya,” paliwanag ni Jay.
Si Jay ang boyfriend ni Raymond Bagatsing na isang bading sa “Love Is Love” na idinirek ni GB Sampedro at mapapanood na sa Dis. 4 under RKB Productions.
Sa tanong naman kung may kissing scene sila ni Raymond sa movie, “Abangan n’yo, panoorin ninyo ang pelikula,” sagot ni Jay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.