outbrain

Resbak ni Ate Gay kay Vice Ganda: Tao ako, yung ginawa sa akin ang hindi makatao…

By Ervin Santiago November 22,2019
share this

Resbak ni Ate Gay kay Vice Ganda: Tao ako, yung ginawa sa akin ang hindi makatao…

By Ervin Santiago November 22,2019
share this

PINALAGAN ng stand-up comedian na si Ate Gay ang naging pahayag ni Vice Ganda sa dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagsali niya sa “Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions” ng It’s Showtime.

Nakarating sa kanya ang pakikipag-chikahan ng Unkabogable Star sa isang Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak contestant kung saan biniro nitong kamukha raw siya ni Ate Gay.

Hirit ni Vice sa contestant, “Totoo ba na masama ang loob mo dahil hindi ka naisalang sa celebrity edition, Ate Gay?” Dugtong pa niya tungkol sa isyu ni Ate Gay, “Kasi ang dami mo raw kasing chika sa Facebook.” Sabay sabi sa TNT contestant na, “Hindi po kayo yun? Kahawig lang, oo.”

Idinaan naman ni Ate Gay (Gil Morales sa tunay na buhay) ang kanyang sama ng loob sa Facebook at Instagram. Hindi niya nagustuhan ang pagbibiro ni Vice sa dahilan ng pagkatsugi niya sa TNT.

“Huwag po ako .. TAO ako .. yung ginawa sa akin ng TNT di makaTAO…” simulang komento ng komedyante.
Pagpapatuloy niya, “Hindi ko napanuod ang showtime kahapon pero marami nag pm sa akin na kaya di daw ako nakapagTNT dahil madami ako hanash sa FB patama ito sa kamukha ko sa tnt..

“Naghanash lang naman ako nung nalaman ko na ni ho ni ha wala ako sched after ng interview pictorial at band rehearsal ( tama ba yun at matino ba matatwag yan),” aniya pa.

Ipinost din ni Ate Gay ang mga litrato kung saan makikitang nakasama pa siya sa pictorial ng mga TNT celebrity contestants.

Dagdag pa niyang mensahe, “Bago ako magpost nagpapaalam pa ako sa manager ko at sya kasi ang kausap ng showtime at hindi ako..

“Sensya na po pero makapangyarihan kasi mga binibitawang salita sa telebisyon at eto lang ang sandata ko para maipagtanggol ko sarili ko..

“Last na ito bout showtime nagpapasalamat pa rin ako kasi name mention name ko… lab u all.”
Pero sa omments’ section ng FB post ng gay comedian, may isang netizen ang nagsabing huwag nang pansinin ni Ate Gay si Vice at kalimutan na lang ang issue.

Sagot naman sa kanya ng stand up comedian, “Napakabastos nila pano nila nasasabing panay ang reklamo ko sa fb o social media eh sila naman may kagagawan like pinaasa nila ako pinagod pinuyat..

“Na isang simpleng sori o sensya na ay ok lang naman sa akin..kaya lang salungat pinagsasabi sa tv .. asan na ang hustisya ? Jusko po patawarin mo po sila .. haaaaay,” aniya pa.

Maraming netizens ang kumampi kay Ate Gay pero isa sa kanyang Instagram follower ang nag-comment na mali ang balitang nakarating sa kanya.

Sabi ni @itsmearth24, “@ategay08 i do like you pero mali ang nakarating sayo tinanong lang si contestant kung masama raw ba talaga ang loob mo kasi di ka naisalang sa celebrity editon bilang pinalalagay na kamukha mo si contestant kasi nga daw ang dami mo hanas sa fb.

“Mali naman yung nakuha mong info na kaya ka di sinalangn is dahil maraming hanas sa fb napanood ko sya at kahit balikan pa sya sa online sa youtube. Just to be fair lang.

“Although im with you sa di nila pagbibigay ng rason kung bakit di ka nila sinlang kasi isa din ako nag hihintay sa performance mo pero tapos na yun eh move on na lang tayo. still like you ate gay.”

Sagot naman sa kanya ng stand up comedian, “Napakabastos nila pano nila nasasabing panay ang reklamo ko sa fb o social media eh sila naman may kagagawan like pinaasa nila ako pinagod pinuyat..

“Na isang simpleng sori o sensya na ay ok lang naman sa akin..kaya lang salungat pinagsasabi sa tv .. asan na ang hustisya ? Jusko po patawarin mo po sila .. haaaaay,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending