Male singer nagmamaktol, laglag sa Christmas station ID | Bandera

Male singer nagmamaktol, laglag sa Christmas station ID

Cristy Fermin - November 23, 2019 - 12:39 AM

TUMAGILID nu’n ang career ng isang male performer dahil marami siyang sinasabi tungkol sa produksiyon ng kanilang variety show.

Hindi niya ‘yun sinasabi nang personal sa mga staff, sa halip ay ipinangangalandakan pa niya sa social media, kaya nalalagay siya sa alanganin nang madalas.

Kuwento ng isang source, “Mahilig talaga siyang mag-side comment. Kahit kailan, e, ganu’n na talaga siya. Madulas ang dila niya, parang palaging minamantikaan.

“Kapag may isyung pinag-uusapan, siguradong meron siyang masasabi. Palasabat talaga siya, naging ugali na talaga niya ang ganu’n!

“Kalalaking tao, ang dami-dami niyang sinasabi, hindi niya mapigilan ang dila niya, kaya maraming naiinis sa kanya!” unang chika ng aming impormante.

Kung sa magaling ay talaga namang angat ang kanyang singing talent kesa sa iba. Kaya niyang itawid kahit ang pinakamatataas ang tono na parang wala siyang kahirap-hirap.

Patuloy ng aming source, “Imperness, magaling naman talaga siya, minamani-mani lang niya ang mga songs na ibinibigay sa kanya ng production. At kinakanta niya ‘yun nang cool na cool lang siya, ha!

“Kung ang ibang male singers, e, halos labas na ang mga litid sa pagkanta, ito namang male singer na ito, e, parang wala lang! Talagang napakataas ng voice range niya!

“Kinakaya niyang sapawan ang mga kasabayan niya, nagmumukha silang ewan, kapag bumibirit na ang male singer nang suwabeng-suwabe lang!

“Kahit nga sa ibang bansa, e, talagang pinapalakpakan siya ng mga kababayan natin, magaling talaga siya, walang question ‘yun!” papuri pa sa male singer ng aming impormante.

Isa lang naman ang pintas sa male singer ng kanyang mga katrabaho, marami siyang hanash, marami siyang reklamo sa kung anu-anong isyu.

Sabi uli ng aming impormante, “Kapag nawala na ang ugali niyang pala-comment, e, perfect na sana siya. May bago na naman siyang hanash ngayon, hindi man lang daw siya tinawagan para sa shoot ng kanilang Station ID!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Masama ang loob niya, akala raw kasi niya, e, itinuturing siyang part ng network, pero parang hindi naman daw pala!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba ng mas malinaw na clue kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending