Dimples binagyo ng blessings ngayong 2019; TV commercial biglang dumami | Bandera

Dimples binagyo ng blessings ngayong 2019; TV commercial biglang dumami

Ervin Santiago - November 23, 2019 - 12:36 AM

ANGEL LOCSIN AT DIMPLES ROMANA

KUNG may isang female celebrity na talagang binagyo ng blessings ngayong 2019, ‘yan ay walang iba kundi ang Kapamilya actress na si Dimples Romana.

Bukod sa patuloy na tinatamasang tagumpay ng kanilang seryeng Kadenang Ginto, sunud-sunod din ang mga ginagawa niyang endorsements, patunay na kahilera na rin siya ng mga maituturing na mabentang celebrity influencer.

Nitong mga nakaraang araw, magkakasunod na inilabas ang kanyang mga TV commercial, na talagang ikinatuwa ng kanyang mga fans at mga social media followers. At ‘yan ay dahil na rin sa kasikatan ng kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon sa seryeng Kadenang Ginto.

Siyempre, sa dami ng blessings na dumarating kay Dimples, isa sa mga tuwang-tuwa ay ang BFF niyang si Angel Locsin. Sa isang panayam, natanong ang award-winning actress kung ano ang hindi niya malilimutang life lesson na natutunan niya kay Angel.

“It’s so difficult not to reward yourself, Angel was the one who taught me how that goes. I remember we were taping Lobo, kita niya pagod na pagod ako, sabi niya sa akin kapag pack-up namin ng 9 a.m., halika dito, bibili tayo ng alahas,” kuwento ng aktres.

“Sabi niya, ‘Bibili tayo kasi napapagod ka na, para mas kaya mo pa ulit na magtrabaho, kailangan mapagbigyan mo ang sarili mo’. Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa rin ‘yun,” chika pa ni Dimples. Aniya pa, ang pagbibigay ng regalo sa sarili ay, “That sort of reward makes you feel that you are important.”

Speaking of endorsements, kabilang nga sa nadagdag sa humahabang listahan ng kanyang pagiging brand ambassador ay ang CDO Premium Holiday Ham na saktung-sakto naman ngayong holiday season. Inamin ni Dimples na taun-taon ay lagi talagang kasama ang ham sa kanilang Noche Buena.

“Hindi buo ang Christmas handa naming kapag walang ham. Yung salo-salo na sama-sama kayo, magdarasal kayo, kakain kayo, parang parte na rin talaga to have that ham there,” aniya.

Bahagi na raw ito ng tradisyon na kanyang kinalakihan, na patuloy niyang ginagawa ngayong may asawa at dalawang anak na siya. Kung titingnan ang kanyang social media accounts, mapapansin na ang kanyang pamilya, ang mga Romana at Ahmee, ay laging sama-sama tuwing Noche Buena, “We make it a point that no matter how busy we are to be together.”

Sa katunayan, taun-taon daw ang sinisiguro nila na may tema pa ang kanilang pagdiriwang sa Noche Buena,

“Minsan Pinoy, minsan Spanish, pero ang hindi nababago, yung CDO Premium Holiday Ham. Favorite siya no matter what theme we do for Christmas.”

Partikular na binanggit ni Dimples ang smoky flavor na may pineapply sweetness flavor (pineapple glaze) na aniya’y siguradong ASF-safe dahil ang karne ay galing sa credible meat supplier!

Dagdag pa ng aktres, na certified foodie rin, “Hindi ko alam if it’s the Kapampangan in me, bukod sa masarap akong magluto, masarap din akong kumain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iba kasi kapag ine-enjoy mo talaga. It shows how passionate you are about things. Not only for food but for life. Alam mong ine-enjoy mo ang buhay mo at kumakain ka ng gusto mong kainin at nasi-share mo sa pamilya mo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending