Duterte pa-South Korea mula Nobyembre 25-26
PATUNGONG South Korea si Pangulong Duterte para dumalo sa 2019 ASEAN-ROK (Republic of Korea) Commemorative Summit na gaganapin sa Nobyembre 25 at Nobyembrw 26.
Sa isang briefing sa Malacanang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for the Office of ASEAN Affairs Junever Mahilum-West na dadaluhan ang ASEAN-ROK Commemorative Summit ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) at ni South Korean President Moon Jae In.
“The President will be leaving Manila for Busan soon and will be coming back right after the summit,” sabi ni Mahilum-West.
Idinagdag ni Mahilum-West na huling nakipagpulong si Duterte sa mga lider ng ASEAN at kay Moon sa Bangkok, Thailand sa unang linggo ng Nobyembre sa isinagawang ASEAN Plus Three Summit at East Asia Summit.
“In Busan, two outcome documents are expected in the forthcoming ASEAN-ROK Summit and other side events. And these documents are the ASEAN-ROK Joint Vision Statement for Peace, Prosperity, and Partnership and the Co-Chairs’ Statement on the ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit and these two represent the strong partnership between the ASEAN and ROK,” ayon pa kay Mahilum-West.
Ito na ang ikalawang pagbisita ni Duterte sa South Korea. Ang una ay noong Hunyo 2018 kung saan nangyari ang kontrobersyal na smack kiss sa isang Pinay na nakabase sa naturang bansa matapos ang kanyang talumpati sa Filipino community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.