MayWard bubuhayin ang viral love story nina Max & Gab

By Bandera November 20,2019
share this

MayWard bubuhayin ang viral love story nina Max & Gab

By Bandera November 20,2019
share this

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

Trailer pa lang ng espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na pagbibidahan nina Maymay Entrata at Edward Barber ay humataw na agad ito sa social media.

For the first time, sasabak sa matinding aktingan ang MayWard para sa kuwento ng wagas na pag-iibigan ng viral couple na sina Gab Sta. Ana at Maxine Blanco.

Gagampanan ni Maymay ang karakter ni Max na isang cancer victim habang si Edward naman si Gab, ang kanyang boyfriend na hindi siya iniwan hanggang sa huli niyang hininga.

Sa Instagram account ng MMK, mapapanood ang trailer ng nasabing episode. May caption itong, “Kapag may gusto kang gawin sa buhay, go for it! Pero paano kung ilang araw na lang ang nalalabi sa’yo, pipiliin mo bang maging matapang o sumuko na lang? Abangan ang #MMKGabAndMax sa susunod na sa Sabado, 8:30PM pagkatapos ng Your Moment!”

Ilang sandali lang matapos i-post ang video, humamig agad ito ng daang libong views at sandamakmak na comments mula sa MayWard fans.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending