Dating sikat na female singer palabuy-laboy na lang sa kalye; pati kapatid baliw na raw | Bandera

Dating sikat na female singer palabuy-laboy na lang sa kalye; pati kapatid baliw na raw

Cristy Fermin - November 19, 2019 - 12:35 AM

MAY kumakalat na kuwento ngayon sa isang siyudad na madalas makita ng mga tagaroon ang isang dating sumikat na female singer na palabuy-laboy diumano sa mga kalye ng naturang city.

Maaaring hindi na siya kilala ng mga milenyal dahil ilang dekada na ang nakalilipas mula nang maging popular ang female singer pero maraming may edad na ang hindi pa rin nakalilimot sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Sumikat kasi ang mga kanta niya nu’ng kapanahunan niya. Kahit batang maliit, kinakanta-kanta ang mga songs niya na tumatak naman talaga sa mga kababayan natin.

“Kahit sa videoke, marami pa ring pumipili sa mga piyesa niya, talagang hindi madaling kalimutan ang mga kanta ng female singer na ‘yun!” pagmamalaki ng aming impormante.

Ang ibang mga kakontemporaryo ng babaeng singer ay aktibo pa rin, maraming naghahanap sa kanya, pero hindi na raw kasi siya makontak ng mga show promoters.

Isang source naman ang nagkuwento, “Sa isang city, madalas daw makita ang female singer na palakad-lakad. Walang kaayus-ayos, parang hindi na raw niya naaalagaan ang sarili niya.

“Hindi ilang tao lang ang nagkukuwento nu’n, maraming tagaroon, talagang madalas daw nilang makita ang dating sikat na singer na palakad-lakad du’n na parang walang direksiyon.

“May kuwento pa nga na ‘yung isang utol niyang lalaki na nagbibisyo, e, parang natuluyan na! Lakad nang lakad, kung minsan, e, hubo’t hubad pa, nakakalungkot naman ‘yun kung totoo nga.

“Ang dami-dami pa namang nakaka-miss sa female singer na ‘yun, kapag may concert ang mga dating kasamahan niya, e, nandu’n silang lahat, siya lang ang wala kaya hinahanap siya ng audience.

“Sana nga, e, hindi totoo ang mga balitang kumakalat tungkol sa kanya, nakakaawa naman ang female singer, may magmalasakit sanang kumuha sa kanya para matulungan siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang isang kanta niya, pati ang tono nu’ng piyesa niya, e, alam na alam ko pa rin, tungkol ‘yun sa isang bulubunduking lugar dito sa Pilipinas,” nalulungkot na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nakakalungkot ang kuwentong ito, sa totoo lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending