Horoscope, Nov., 19, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov., 19, 2019

Madam Sophia |November 19,2019
facebook
share this

Horoscope, Nov., 19, 2019

Madam Sophia - November 19, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy ang suwerte, basta’t sumunod ka lang sa tinitibok ng iyong puso. Sa lovelife, tuloy ang malamig na romansa, ngunit muling magiinit ang relasyon habang lumalapit ang kapaskuhan. Sa pinansyal may malaking halaga ng salapi na biglang darating. Markahan ang 4, 11, 29, 38, 43, at 45. Red at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na S. at L.
Aries – (Marso 21-April 19)— Maging maingat sa paglalabas ng pera, may babala na maloko ka na naman. Sa lovelife, ituon ang pansin sa kasuyong Sagittarius upang lalong uminit ang pagmamahalan. Markahan ang 6, 15, 24, 31, 39, at 49. Pink at blue ang buenas. Suwerte sa initial na D. at F.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag pang hinaan ng loob. Kung magiging buo ang loob, maraming pagkakakitaan ang kusang darating sa buwang ito ng Nobyembre hanggang Disyembre. Sa lovelife, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Markahan ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Gray at beige ang buenas. Suwerte sa initial na K. at S.
Gemini – (May 21-June 21)—Panatiliin ang ugaling optimista. Sa negosyo, kapag laging positibo ang laman ng iyong isipan, malaking halaga ang papasok sa kabang-yaman. Sa lovelife, kung ano ang iniisip mo at pinapantasya, ito mismo ang mangyayari sa katotohanan. Markahan ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas. Suwerte sa initial na E. at Y.
Cancer – (June 22- July 22)— Nasa sariling pagsisikap ang iyong ikauunlad. Wag umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Dumiskarte ka ng sarili mo. Sa lovelife, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Markahan ang 8, 16, 25, 29, 34, at 43. Lilac at purple ang buenas. Suwerte sa initial na D. at M.
Leo – (July 23 – August 22)—Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang iyong isip sa problema ng ibang tao at sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa lovelife, kapag payapa ang buhay kahit may edad ka na, mas masarap na romansa ang mararanasan at kapag naging masarap ang romansa, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan. Markahan ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Orange at white ang buenas. Suwerte sa initial na S. at L.
Virgo – (August 23 – September 22)—Habang sagana ang buhay matutong mag-impok. Ang pag-iipon ang tiyak na landas ng magandang kinabukasan. Sa lovelife, magpatago ng pera sa minamahal. Markahan ang 7, 17, 25, 38, 43 at 46. Green at silver ang buenas. Suwerte sa initial na P. at M.
Libra – (September 23-October 23)—Higit na mas magiging masaya ang kapaskuhan kung magsasama-sama ang pamilya, kahit na sa isang simpleng bakasyon lang sa malayong lugar. At mentras buo at masaya ang pamilya maraming magagandang kapalaran at suwerte ang darating. Markahan ang 2, 13, 25, 31, 41, at 46. Red at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na F. at I.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Magtatagumpay ang anomang binabalak kung isa sa isantabi muna ang emosyon. Isiping lagi, “pera-pera lang ang labanan!” Sa lovelife kailangang makaisip ng paraan, upang makatulong ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagpapayaman. Markahan ang 7, 18, 23, 28, 39 at 43. Beige at pink ang buenas. Suwerte sa initial na R. at S.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag ilihim ang lungkot na nadarama. Ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa lovelife, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na mga problema. Markahan ang 4, 10, 15, 27, 35, at 48. Suwerte sa initial na T. at P.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Umiwas sa gawaing hindi naman mapagkakaperahan. Mag-concentrate sa pag-iipon ng salapi para sa future ng pamilya. Sa lovelife, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo, yayain siya kumain sa isang mamahaling restaurant. Markahan ang 5, 17, 29, 35, 40 at 45. Green at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na K. at R.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung magpapa-ganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa lovelife, kung maliligo ng dalawang beses sa isang araw, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Markahan ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Orange at black ang buenas. Suwerte sa initial na K. at M.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kulang ka sa konsentrasyon. Hindi dapat pagsabay-sabayin ang negosyong naiisip, ituon lamang ang isipan sa iisang kalakal. Sa lovelife, isa-isa lang dapat ang karelasyon, upang higit kang lumigaya. Markahan ang 3, 12, 21, 30, 39 at 49. Violet at white ang buenas. Suwerte sa initial na P. at T.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending