Kisses Delavin nadiin sa pumutok na water valve sa hotel ni Mother Lily; pati si Lorna nadamay

By Alex Brosas November 18,2019
share this

Kisses Delavin nadiin sa pumutok na water valve sa hotel ni Mother Lily; pati si Lorna nadamay

By Alex Brosas November 18,2019
share this

MALAKAS na-bash si Lolit Solis ng fans ni Kisses Delavin.

Lumaki na kasi ang issue ng stop payment ng deposited check. Nagsimula ang issue dahil sa pumutok na water valve sa unit na inupahan ng family ni Kisses.

“Naku hindi ko naman akalaing lalaki ang issue ng Imperial rental ni Kisses Delavin. Isinulat ko lang na nahihirapan na siyang ma-contact nila Lorna Tolentino at stopped payment na iyon 2 tseke na deposito nila.

“Ngayon lumaki na ang problema dahil gusto na ni Mother Lily na mag-share si Lorna ng gastos sa repair ng e-levator na inabot daw ng halos 1M at higit 1 buwan hindi nagamit. Ewan ko kung bakit sa unit ni Kisses pumutok ang water valve na naging malaking problema.

“Hindi naman ako naniniwala na wala silang balak bayaran iyon utilities na dapat sila ang magbayad na sinisingil ngayon ng admin ng Imperial.

“Kung si Allan Diones na isang movie writer ay nakakabayad on time, mas lalo naman siguro si Kisses na mayaman at isang hotel owner daw sa Masbate di bah! Saka dapat bago umalis sa isang niri-rentahan lugar, ayos lahat ng dapat ayusin bills, kausapin ang landlord at ang admin ng building para walang maiwan na problema.

“Gusto ko iyon mother ni Kisses na mukhang mabait, si Kisses din palagay ko respon-sable kaya hindi dapat nasa attack mode ang fans niya. madali lang ayusin iyan, tingnan ang dapat bayaran, tapos ang problema. Please, huwag n’yo na dagdagan ang issue, iyon lang. I settle ang account para no problem, OK?”

‘Yan ang caption ni Lolit sa Instagram na ikinagalit ng fans ni Kisses.

“B4 ka mag post alam mong lalaki ang issue lalo na at katatapos lang ni KISSES mag sign ng new management contract. Besides KISSES name is everywhere in any socmed link. in the first place ano purpose mo sa pag post ng issue na yun di ka naman involve doon.

“Kaya wag ka ng magmaang maangan na di ka nag e expect na di lalaki ang issue..normal lang na dedepensa mga fans ni KISSES dahil obvious na paninira yun against them. Pasalamat ka di warfreak family Delavin. God Bless Delavin Family.”

“Kayo po ang nag palaki ng issue Madam. Sana lang po dalangin ko na lang na maging malakas pa po kau. Hindi para magamit nyu sa mga maling gawain kundi para po magbago po kau at maging mabuting tao. Wag po tau fake news lagi sa mga pa post natin s social media. Marami na po ngayun ang nakakasuhan sa mga maling gawain. God bless po.”

“Kapag nagre rent kalang sa unit hindi ikaw ang dapat magpa repair ng pumutok na water valve kundi yung may ari dahil suppose to be may insurance sila dapat anong kinalaman ni Kisses na may pumutok na water valve? Dapat nga kundi matirhan iyong unit eh hanapan siya ng matitirhan or hotel, hindi responsible si Kisses sa pumutok na water valve.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending