Marlo Mortel umamin sa nakaraan nila ni Morissette; dumepensa sa ‘walkout scandal’ | Bandera

Marlo Mortel umamin sa nakaraan nila ni Morissette; dumepensa sa ‘walkout scandal’

Bandera - November 17, 2019 - 12:25 AM

MORISSETTE AMON AT MARLO MORTEL

MAY nakaraan pala sina Morissette Amon at Marlo Mortel kaya naman very open ang singer-actor sa pagtatanggol sa dalaga sa mga isyung kinasasangkutan nito.

Ayon kay Marlo, matatawag na MU o mutual understanding ang namagitan sa kanila noon ni Mori pero hindi nga ito nag-level up hanggang sa magdesisyon silang maging friends na lang.

Nakausap ng ilang members ng entertainment media ang binata sa grand presscon ng musical-drama film na “Damaso” na idinirek ni Joven Tan at dito nga siya nagkuwento ng tungkol sa past nila ni Morissette.

Ayon kay Marlo, hindi niya naging girlfriend ang dalaga, “Nagkaroon lang ng something. Special something. Siguro po ganu’n.”

Pero bakit nga ba hindi naging sila? “Mahigpit super ang parents ni Morissette, very overprotective ang family niya. Ayun na lang siguro yung masasabi ko.” Dugtong pa niya, noong mga panahong iyon (2016 hanggang 2017) ay busy din sila ng dalaga sa kanilang respective career.

Tungkol naman sa pagtatanggol niya kay Mori sa walkout scandal na kinasangkutan nito, naniniwala si Marlo na totoong may matinding hugot ang dalaga sa kanyang pamilya. Aniya, hindi basta magwo-walkout ang singer sa concert ni Kiel Alo sa Music Museum kung wala itong pinagdaraanan.

“Hindi ko talaga siya kilala na gagawin niya ‘yun. Isa kasi si Morissette sa pinakamabait na taong kilala ko talaga. Alam ko kung gaano niya kamahal ‘yung pamilya niya kaya siguro nasasaktan siya every time na pinag-uusapan ‘yun,” lahad ni Marlo na ang tinutukoy ay ang away issue ni Mori sa kanyang tatay na si Amay Amon na hindi boto sa boyfriend ng anak na si Dave Lamar.

Naniniwala rin siya na walang intensiyon si Morissette na sirain ang concert ni Kiel at ipahiya ang producer nitong si Jobert Sucaldito, “Feeling ko, hindi naman niya gustong gawin ‘yun. For me, hindi niya gustong gawin ‘yun.

“Feeling ko, mas matimbang na ang gulo-gulo nila, sa family nila. Feeling ko, ayun ‘yung nakakapagpagulo din talaga sa kanya,” aniya pa. Nagkausap na raw sila ng dalaga at nagpasalamat sa concern na kanyang ipinaramdam.

Nag-sorry na si Morissette sa lahat ng nasaktan at naapektuhan sa pagwo-walkout niya sa pamamagitan lang ng Facebook.

Sa tanong kung magwo-walkout din ba siya sakaling mangyari rin sa kanya ang na-experience ni Mori, “Never ko siguro ‘yun gagawin,” sagot ng TV host-actor. Aniya, isang araw matapos pumanaw ang kanyang ina noong Aug. 24, 2018 ay bumiyahe pa siya pa-Bacolod City para sa isang show.

“Imadyinin mo namatayan ka kahapon pero… kumanta ako, e. Actually, ayaw na nga nila ako patuluyin kasi understandable naman ‘yung nangyari, but I think kasi sobrang love ko ‘yung work ko.

“Alam ko ‘yung nakakahiya sa mga nag-book sa akin, dahil bayad din ako. Alam ko ‘yung responsibility ko as an artist,” pahayag pa ni Marlo.

Samantala, muling ipinamalas ni Marlo ang galing niya sa pagkanta at pag-arte sa pamamagitan ng musicale movie na “Damaso” na pinagbibidahan ni Arnell Ignacio playing Padre Damaso, kasama ang iba pang malalaking pangalan sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Gaganap si Marlo sa movie bilang si Fernando Damaso, ang writer ng pelikulang binubuo ng isang film outfit kung saan tatalakayin ang makulay at kontrobersyal na buhay nina Padre Damaso, Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Sisa at iba pang sumikat na karakter sa “Noli Me Tangere,” ni Dr. Jose Rizal.

Ang “Damaso” ay isang obra ni Joven Tan na punumpuno ng kantahan, iyakan, pag-iibigan at mga kontrobersyal na isyung bumabalot sa Pilipinas na mag-iiwan sa mga manonood ng tanong na, “Ikaw ba si Damaso?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin dito sina Vina Morales, Nyoy Volante, Ejay Falcon, Aiko Melendez, Ariel Rivera, Irma Adlawan, Mon Confiado at marami pang iba. Introducing din dito sina BidaMan winner Jin Macapagal at YouTube sensation Riva Quenery. Showing na ang “Damaso” sa Nov. 20, mula sa Reality Entertainment at Regis Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending