Kilalang aktres galit na galit, hiniya ni direk sa taping | Bandera

Kilalang aktres galit na galit, hiniya ni direk sa taping

Reggee Bonoan - November 17, 2019 - 12:05 AM

ANG sama ng loob ng kilalang character actress sa direktor na namahiya sa kanya sa harap ng maraming tao habang nasa taping sila para sa isang TV show.

Ang punto ng aktres puwede naman siyang kausapin ni direk nang silang dalawa lang pero talagang sa harap pa ng mga katrabaho nila siya ipinahiya.

Ayon sa isang source, “Pinaiyak niya ng ilang beses si ____ (character actress) tapos pagdating sa set, sinabi ni Direk, ‘Hindi ka naman marunong umarte.’ Tapos pinaulit ulit ‘yung eksenang napakasimple.”

Marami pang kuwento sa amin tungkol sa direktor na mahilig ding mam-bully lalo na kapag panahon ng awards night at nominado ang anak na nag-aartista rin. Nagagalit talaga si Direk kapag hindi nananalo.

“Tumatalak siya kapag olats ang anak, nagagalit sa judges, tapos binu-bully ‘yung artistang nakatalo sa anak. Nakakaloka si direk, di ba?” kuwento pa sa amin.

Bakit ang press release naman ng nasabing direktor nu’ng nakausap siya sa isang presscon ay mabait na siya ngayon dahil nga tumatanda na at hindi na siya masungit, pero hindi pa pala?

May ilang artista na kaming naringgan dati na kapag ang direktor ang makakatrabaho nila ay biglang may alibi na hindi na tatanggapin ang project kesehodang maganda ang role nila.

Pero in fairness din naman sa nasabing direktor ay marami pa ring gusto siyang makatrabaho kasi nga magaganda naman talaga ang mga pelikula niya at award winning director din siya.

Pero itong huling pelikulang ginawa niya ay parang maraming butas at hindi rin kumita dahil, “E, kasi naman panahon pa ng mga lolo’t lola natin ang kuwento ng pelikula, ano ba, mga millennial na ang manonood ngayon,” komento ng isa pa naming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending