SUA muling nagbabalik | Bandera

SUA muling nagbabalik

Ira Panganiban - November 15, 2019 - 12:15 AM

MAY ilang mga reports muli na ang Mitsubishi Montero ay nakararanas na naman ng sudden unintended acceleration o SUA.

Sa dumadaming posts sa social media, inirereklamo nila na ang kanilang Montero na bigla na lamang umanong umaarangkada paabante sa pag-start pa lang ng makina nito .

Kabilang sa biktima umano ng SUA ng Montero ay si Krizette Laureta Chu, isang sikat na blogger at journalist ng Manila Bulletin.

Ayon sa kuwento ni Krizette, pinaandar niya lang ang kotse niya nang bigla itong humarurot at sumalpok sa isang puno ng Balete.

Agad itong umani ng napakaraming comments na sila rin ay patuloy na nakararanas ng SUA. Isa sa mga nag-comment ang nagsabing kung totoong human error, dapat ay naayos na ito ng Mitsubishi para hindi na maulit ang SUA. Dapat daw ay may technology na ang Mitsubishi sa makina para di na ito maulit.

Humingi pa ng abiso si Krizette sa Mitsubishi sa kanyang post kung ano ang dapat niyang gawin subalit ni hindi sumagot ang mga PR ng Mitsubishi.

Sabagay, umalis na ang mga beteranong PR ng Mitsubishi at puro amateur ang pumalit sa kanila. Isa nga sa mga pumalit ay natanggal sa dati niyang car company dahil sa suspetsa ng anomalya. Ni hindi nila alam kung papaano tutulungan ang reklamo ng tulad ni Krizette na naghahanap lang ng konting alalay.

Sayang dahil napakaganda na muli ng performance ng Mitsubishi at magaganda ang line up ng mga kotse nila. Sa katunayan ay number two sila sa sales ng kotse sa bansa, base sa report ng CAMPI.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat sa [email protected] o sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending