Female star ayaw makulong; napilitang magbenta ng mamahaling gamit para makabayad sa utang | Bandera

Female star ayaw makulong; napilitang magbenta ng mamahaling gamit para makabayad sa utang

Cristy Fermin - November 14, 2019 - 12:05 AM


TOTOO pala ang umiikot na kuwento na nagdidiskarga na ng kanyang mga kagamitan ang isang kilalang female personality.

Kung ang isang personalidad ay nagbebenta ng kanilang mga branded stuff, ang babaeng ito naman ay walang pinipiling brand, imported at local ay ibinebenta na niya.

Ayon sa isang source habang nagpipista ang mga becki sa isang umpukan ay ‘yun na lang daw ang puwedeng asahan ngayon ng kilalang female personality para sa kanyang kabuhayan showcase.

Kuwento ng impormante, “Wala naman kasi siyang trabahong regular niyang maaasahan. Maraming press release ang kampo niya, kesyo may gagawin daw siyang movie at sa ibang bansa pa nga, pero hanggang ngayon naman, e, puro plano pa lang naman ‘yun!

“Iba kasi ang may regular work, puwede na niyang ipangutang ang pink slip, meron siyang maaasahan tuwing araw ng suweldo sa network. Kaso, wala siyang ganu’n,” unang chika ng source.

Isa pang dahilan ay naiinip na ang kanyang mga pinagkakautangan, marami siyang inabala nu’n na puro pangako lang ang sinasabi niya, kailangan na niyang magbayad ngayong mga panahong ito dahil baka sa korte pa magtapos ang kanyang mga problema.

“Naku, inip na inip na ang mga pinagkakautangan niya, isama n’yo na sa listahan ang isang female celebrity na kinaibigan niya para lang naman pala mautangan!

“Mahigpit ang maniningil niyang ‘yun, hindi nakalusot sa kanya nu’n ang isang businesswoman na nangutang din sa kanya nang milyones, ipinapulis niya ang may utang sa kanya!

“Ang ending, binayaran na lang siya ng businesswoman ng isang property na maganda naman, very accessible sa lahat, kaya tinanggap na ng female celebrity!

“Gusto ba niyang mangyari sa kanya ang ganu’n? Ayun, lahat ng mga kagamitan niya, e, isinusubasta na niya ngayon. Kailangan na niyang ibenta para makalikom siya ng pambayad sa mga pagkakautang niya!

“Hindi naman kasi siya puwedeng umasa sa isang tao lang na sumusuporta sa kanya ngayon, magsasawa rin ang kapamilya niyang nag-aabot sa kanya ng bundle of joy, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bundle of joy ba kamo? Kilalang-kilala n’yo kung sino ang female personality na ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending