Lovi 'napa-oh my God!' sa sex scene nila ni Joem Bascon sa 'Annulment' | Bandera

Lovi ‘napa-oh my God!’ sa sex scene nila ni Joem Bascon sa ‘Annulment’

Ervin Santiago - November 14, 2019 - 12:01 AM

ANG tindi ni Lovi Poe! Grabe siya! Ibang level ng pagiging aktres ang ipinakita ng Kapuso actress sa latest sex-drama movie ng Regal Entertainment, ang “The Annulment”.

Napanood na namin ang “The Annulment” sa ginanap na premiere night last Monday sa SM Megamall cinema 7 at masasabi naming ito na ang pinakamaganda, pinakamadrama at pinaka-erotic na pelikulang nagawa ni Lovi.

No wonder, kaya pala R-13 ang ibinigay na rating ng MTRCB sa bagong obra ni Direk MacArthur Alejandre dahil na rin sa nakaka-shock at makapigil-hiningang love scenes nina Lovi at Joem Bascon na gumaganap ngang mag-asawa sa kuwento.

Sa katunayan, napapasigaw pa ang manonood kapag nagse-sex sa eksena ang dalawa! May iba naman na pumapalakpak pa talaga kapag nakakaraos na sila sa kanilang lovemaking.

Tilian din ang audience, lalo na ang mga beki nang magpakita na ng pwet si Joem – at dalawang beses pa. Comment ng mga nakausap namin after ng premiere night, “Iba si Joem! Ang kinis ng butt niya! Parang baby!”

Kahit nga si Lovi ay napapa-“Oh my God!” kapag ipinakikita na ang laplapan at pagtatalik nila ni Joem lalo na sa eksena kung saan pinilit siyang mag-sex ni Joem. Dito talagang nagpaka-wild ang Kapuso actress kung saan kinagat-kagat pa niya si Joem sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sinasampal niya ito.

In fairness, matino naman ang pagkakagawa ni Direk Mac sa mga nasabing eksena, at hindi ka mababastusan – mararamdaman mo talaga kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng isang misis na niloko ng asawa habang nasa proseso ng annulment.

Tulad ng nasabi namin, sa lahat ng pelikula ni Lovi na napanood namin, ito na ang pinakamaganda dahil bukod sa tapang niya na gawin ang maseselang eksena, talagang nagmarka ang akting niya bilang asawang niloko.

Bukod sa kanyang mga breakdown scene, ang galing-galing niya sa eksena kung saan nahuli niya si Joem na nakikipaghalikan sa kabit nito (Myrtle Sarrosa) sa loob mismo ng bahay nila.

Ang sosyal lang ng pang-aaway at pananampal niya kay Myrtle habang pinanalayas niya ito. Siguradong marami ang gagaya sa linyahan ni Lovi rito bilang legal wife. Gusto rin naming palakpalan si Myrtle sa movie dahil bagay na bagay pala sa kanya ang role na kabit. Effortless at talagang mabubwisit ka!

Expected na namin ang galing ni Joem kaya hindi na kami nagulat sa galing ng akting na ipinakita niya sa pelikula, lalo na sa court scene kung saan inisa-isa na ni Lovi ang mga kakulangan at kasalanan niya bilang asawa. At hindi na rin kamo magugulat kung manalo ng acting awards ang dalawang bida sa movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinitiyak din namin na maraming matututunan ang manonood sa pelikula, lalo na yung mga mag-asawang dumadaan ngayon sa matinding pagsubok at nagbabalak nang maghiwalay. Marami kayong matututunan sa “The Annulment” kaya panoorin n’yo muna ito bago kayo magdesisyong iwan ang inyong mga asawa.

Showing na ngayon ang “The Annulment” sa lahat ng sinehan nationwide mula sa Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending