NAGING bagyo na ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Tinawag na Ramon ang bagyo na magdadala umano ng pag-ulan sa Bicol Region, Samar Provinces, Romblon, Marinduque at katimugang bahagi ng Quezon.
Ang bagyo ay nasa layong 835 kilometro sa silangan-timog silangan ng Virac, Catanduanes o 685 kilometro sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Umuusad ito ng 10 kilometro bawat oras pa-kanluran.
May hangin ito na umaabot sa 55 kilometro ang bilis bawat oras at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.