Marjorie asar-talo kina Inday, Greta, Claudine at Atong

By Cristy Fermin November 12,2019
share this

Marjorie asar-talo kina Inday, Greta, Claudine at Atong

By Cristy Fermin November 12,2019
share this

GRETCHEN AT MARJORIE BARRETTO

Komento ng ating mga kababayan ay kumpleto na ang kuwento ng buhay ng magkakapatid na Barretto. Dumalo kasi sa kaarawan ng mommy ni Atong Ang sina Gretchen, Claudine, Mommy Inday Barretto at Mr. Tony “Boy” Cojuangco.

Ay, kasama rin pala sa mga dumalo si Jay-Jay, ang ama ni Nicole, na ayon kay Gretchen ay nang-agaw kay Claudine kay Atong Ang.

Napakagulo ng mapa ng pakikipagrelasyon ng magkakapatid na ito! Maraming naniniwala na magkarelasyon sina Atong Ang at Gretchen, pero isinasama naman ni Gretchen si Mr. Tony Boy sa mga okasyong nandu’n din si Atong Ang, nakakahilo nga naman ang kanilang sitwasyon!

Hindi man aminin nina Gretchen at Claudine ay may motibo ang pagsasama-sama nilang ‘yun sa kaarawan ng ina ni Atong Ang. Walang iba ‘yun kundi ang pasakitan ang kanilang kapatid na si Marjorie.

Malinaw na malinaw ‘yun dahil diretsong nagpahayag si Marjorie na magkarelasyon sina Gretchen at Atong Ang.

‘Yun ang gustong pasinungalingan ni Gretchen.

Ayos lang, tutal naman ay lalabas at lalabas din ang katotohanan pagdating nang araw, wala namang lihim na habampanahong naitatago, ‘yun na lang ang tanging pag-asa ni Marjorie, kaya kailangang cool lang ang aktres sa mga kadramahang napapanood natin ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending