P10.5M shabu nakumpiska mula sa 2 suspek sa Cebu City | Bandera

P10.5M shabu nakumpiska mula sa 2 suspek sa Cebu City

- November 10, 2019 - 05:32 PM

NAKUMPISKA ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation sa Central Visayas (NBI 7) ang mga pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P10.5 milyon sa dalawang operasyon sa Cebu City noong Biyernes.

Pasado alas-7, nahuli ng mga miyembro ng NBI-7 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 7) ang 34-anyos na si Maricor Pocong, ng Barangay Punta Princessa, Cebu City.

Nakumpiska mula kay Pocong ang 1.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon.

Sinabi ni Tomas Enrile, NBI 7 director, na lumabas ang pangalan ni Pocong matapos ang isinagawang intelligence monitoring.

“We intensified our surveillance operations against her for one week and when we already have enough evidence, we applied and then served the warrant,” sabi ni Enrile.

Idinagdag ni Enrile na inamin ni Pocong na nagmamahagi rin siya ng droga sa iba pang tulak.

Sinabi ni Enrile na inginuso ni Pocong ang isa pang distributor na si Wigner Sayago.

Nagsagawa ng operasyon sa bahay ni Sayago sa Barangay Bulacao Pardo sa Cebu City ganap na alas-10 ng gabi.

Nakumpiska mula kay Sayago ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon para matukoy ang iba pang kasabwat nina Pocong at Sayago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending