Confirmed: Anne Curtis buntis na sa panganay nila ni Erwan Heusaff | Bandera

Confirmed: Anne Curtis buntis na sa panganay nila ni Erwan Heusaff

Ervin Santiago |November 10,2019
facebook
share this

Confirmed: Anne Curtis buntis na sa panganay nila ni Erwan Heusaff

Ervin Santiago - November 10, 2019 - 04:27 PM

BUNTIS na ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis!

Ito ang good news na ibinandera ni Anne sa kanyang Instagram account kanina kasabay ng pagpo-post ng isang video kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump.

Makalipas nga ang dalawang taong pagsasama, nakabuo na ang mag-asawang Anne at Erwan Heussaff. 

Sa video na ipinost ni Anne sa IG, makikita ang aktres na naglalakad sa isang mabulaklak na lugar na pinaniniwalaang kuha sa recent trip nila sa Seoul, South Korea. 

Mapapanood din sa video si Erwan na nakaupo sa isang bench na napapaligiran ng mga puno at bulaklak. May caption itong, “I think you should know something… . Another reason to love November.. @erwan. . . Music: Nothing’s Gonna Hurt You Baby by @cigsaftersex.”

Ni-repost din ni Erwan ang nasabing video sa kanyang Instagram account na caption namang, “5/9.”

Ang paniwala ng mga netizens, kung ang babasahin ang ibig sabihin ng caption ni Erwan, maaaring five months pregnant na ang asawa.

Nagsimulang kumalat ang balitang buntis na si Anne nang mapansin ang maumbok niyang tiyan sa isang episode ng It’s Showtime last week. Maluwag na rin ang suot na dress ni Anne sa nasabing programa kaya ang hula ng viewers ay buntis na ang ang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending