Regine kay Morissette: Sana bigyan pa siya ni God ng lakas, ang hirap... | Bandera

Regine kay Morissette: Sana bigyan pa siya ni God ng lakas, ang hirap…

Bandera - November 09, 2019 - 12:20 AM

MORISSETTE AMON AT REGINE VELASQUEZ

“MABAIT na bata si Morissette, she’s really a good girl!” Ito ang sinisiguro ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa gitna ng pinagdaraanang kontrobersiya ng Kapamilya singer matapos mag-walkout sa concert ni Kiel Alo.

Ayon kay Regine, hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari, nabalitaan lang niya ito sa social media at sa mga reporter na nag-interview sa kanya sa opening night ng Cinema One Originals Film Festival 2019 last Thursday kung saan kasali ang movie niyang “Yours Truly, Shirley”.

“Alam mo, hindi ko alam kung anong nangyari so it’s very hard for me to comment kasi wala ako talagang… I have no idea, actually,” paliwanag ng Songbird.

“I hope that she’s okay. I hope that… you know, sometimes, gano’n talaga, may pagdadaanan ka. I hope that God will give her the strength para mapagdaanan niya nang tama ito. Kasi ang hirap kasi ang bata pa niya.”

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang pag-backout ni Morissette sa birthday concert ni Kiel sa Music Museum nitong Miyerkules nang dahil daw sa interview ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual. Dinamdam umano ng dalaga ang tanong tungkol sa away nila ng kanyang tatay na si Amay Amon.

Nagsalita na rin ang manager ni Kiel na si Jobert Sucaldito tungkol sa issue at sinabi nga nito na talagang nasaktan at na-offend siya sa ginawa ng singer. Sa katunayan, napamura at napaiyak pa ito sa sobrang sama ng loob.

Samantala, sinabi nga ni Regine na sa pagkakilala niya kay Morissette ay mabuti itong tao, “Mabait. She’s a good girl. She’s a really good girl. ‘Yun ang pagkakakilala ko sa kanya. And I know her personally na, ha. Hindi lang ‘yung basta chika lang. Kasi nakakausap ko siya, nagte-text kami. She’s a good girl.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending