‘Dapat lang tawaging bagong bayani si Angel Locsin, ang tunay na Darna’
People thrive in places where they are appreciated kung paanong angels make their divine presence felt in places where they’re badly needed.
Not only is she named after the heavenly figure, Angel Locsin is truly living up to her name sa mga ginagawa niyang kabutihan para sa kanyang kapwa.
By some twist of fate, ewan kung bakit madalas pumatak ang mga krisis o trahedya na dinaranas ng ating mga kababayan sa mga odd-number years.
November ng taong 2013 nang manalasa ang super bagyong Yolanda sa Visayas particularly in Tacloban City, Leyte. May 2017 naman noong sumiklab ang tinawag na Marawi siege kung saan nag-iwan din ito ng napakalaking pinsala sa bahaging ‘yon ng Mindanao.
Nitong huli (latter part of October) ng kasalukuyang taon ay paulit-ulit na niyayanig ng malakas na lindol ang Davao at SocSarGen.
Save for the Marawi siege, the two were acts of God na hindi maaaring iwasan o pigilan kundi maaaring idaan lang sa taimtim na dasal.
But in those three ay hindi ‘yon nakaligtas sa mapusong pakikibahagi ni Angel Locsin ng kanyang maitutulong. Kulang na nga lang ay kabilang siya sa Philippine Red Cross o may mataas na posisyon sa ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD (volunteerism ang tawag du’n).
Sa nangyari at nangyayari pa ring lindol, Angel was one of the quickest to have responded to the affected Davaoenos’ needs most especially ng kanilang mailalaman sa kanilang sikmura. Karapat-dapat lang siyang tawaging bagong bayani at tunay na Darna!
Along with her groom-to-be na si Neil Arce, itsura ng rice cartel na nagpakawala sila ni Angel mula sa pinag-imbakang bodega ng saku-sakong bigas para ipamigay ito sa mga nasalanta.
Hindi mo tuloy maiiwasang maikumpara ang mapagkawanggawang aktres sa mga kapwa niya artistang kahit paano’y meron namang maiaambag na tulong, pero mas piniling bumuo ng isang samahang Wa Pakels.
Halata naman that with Angel’s photos—then and now—which have gone viral ay wala siyang kamalay-malay na kinukunan siya.
Her shots are as candid as her acts of charity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.