Mag-ingat sa mga alok na trabaho gamit ang pekeng POEA FB | Bandera

Mag-ingat sa mga alok na trabaho gamit ang pekeng POEA FB

Liza Soriano - November 08, 2019 - 12:15 AM

MAY paalala ang Philippine Overseas Employment Administration sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho na maging maingat sa mga inaalok na trabaho sa social media, lalo na sa mga Facebook pages na nagpapanggap na pag-aari ng POEA ang FB account.

May naglalabasang Facebook page na ginagamit ang pangalan at logo ng POEA para mag-anunsiyo ng bakanteng trabaho sa ibang bansa tulad ng Australia, Canada, Germany, Japan, New Zealand, at sa United States.

Ito ay hindi binerepika o inaprubahan ng POEA.

Ang ilan sa mga nasabing pekeng POEA Facebook pages ay ang POEA Job Hirings in New Zealand, POEA Jobs Online, OFW POEA Jobs Abroad, POEA Jobs Abroad, POEA Job Hiring USA, POEA Job Hiring Australia, POEA Job Hiring UK, POEA Job Agency Hiring, POEA Trabaho Abroad Hiring, POEA Jobs in Dubai, Work Abroad-POEA Licensed Company, at POEA Accredited Licensed Agency.

Ang FB page “POEA Job Hirings in New Zealand” ay naiulat na naglathala na may bakanteng trabaho sa Honda, New Zealand na umanoý nangangailangan ng manggagawang Pilipino. Itinanggi ng kumpanya na sila ay nagre-recruit sa Pilipinas o sa alinmang bansa sa labas ng New Zealand.
Ang facebook.com/poea.gov.phang opisyal na Facebook account ng POEA. Ito ay may blue checkmark bilang tanda na totoo ito ay binerepika mismo ng Facebook.

Pinapayuhan ang mga aplikante na ikumpirma muna sa POEA kung balido ang mga trabahong iniaalok sa kanila gamit ang email at social media sa pamamagitan ng online verification system sa website poea.gov.ph o tumawag sa telephone hotlines 8722-1144 at 8722-1155.

POEA Administrator Bernard Olalia

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending