Cellphone ni Paolo pinagtripan ni Maine: Langhiya! Hirap talagang mag-iwan ng fone!

By Jun Nardo November 08,2019
share this

Cellphone ni Paolo pinagtripan ni Maine: Langhiya! Hirap talagang mag-iwan ng fone!

By Jun Nardo November 08,2019
share this

PAOLO BALLESTEROS AT MAINE MENDOZA

TINADTAD ni Maine Mendoza ng kanyang pictures ang cellphone ni Paolo Ballesteros.

Sa caption ni Pao sa kanyang Instagram post, naiwan niya ang kanyang fone habang nasa APT Studio siya.

“Langhiya hirap talaga mag iwan ng fone eh…part 1 @mainedcm,” caption ni Paolo sa una niyang IG post.

Iba’t ibang pictures ni Meng ang inilabas ni Pao sa kanyang IG page. May selfie, may sumusubo ng almusal at meron pang umiinom ng tubig. Para ngang first time ni Meng na mag-selfie sa mga paandar niyang pictures, huh!

Dagdag na caption pa ni Pochoy (palayaw ni Paolo), “…may mga alaala kang makikita na hindi mo alam kung san nanggaleng @mainedcm.”

Of course, hanggang camera lang ng fone ni Pau ang pinaglaruan ng Phenomenal Star, huh! Hindi ko lang sure kung may na-discover ba siyang mga “exclusive” photos ni Pao sa kanyang telepono!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending