Miyembro ng Boyband PH umalis sa grupo para mag-aral sa US

By Reggee Bonoan November 08,2019
share this

Miyembro ng Boyband PH umalis sa grupo para mag-aral sa US

By Reggee Bonoan November 08,2019
share this

RUSSELL REYES

NAKA-LEAVE of absence pala si Russell Reyes sa grupong Boyband PH dahil bumalik ito sa pag-aaral sa Chicago, Illinois.

Ayon sa ABS-CBN TV executive na nakausap namin ay pormal namang nagpaalam sa kanila ang binata dahil kailangan nitong tapusin ang pag-aaral niya para hindi ma-forfeit ang scholarship na may koneksyon sa musika.

Hindi pa alam kung ilang taong tatapusin ni Russell ang kanyang course at nangako naman daw ang binata na babalik ulit sa grupo kapag graduate na siya.

Kinlaro rin ng ehekutibong kausap namin na hindi disbanded ang Boyband PH tulad ng kumakalat na balita sa social media.

“Hindi naman disbanded, nagso-show pa silang apat, so tuluy-tuloy lang sila sa kanilang projects,” sabi pa ng aming kausap.

Nitong Oktubre lang daw umalis si Russell patungong Chicago. Hayan, klaro na sa fans ng Boyband PH na hindi disbanded ang grupo at babalik si Russell lapag natapos na niya ang kanyang pag-aaral.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending