Morissette negang-nega matapos mag-walkout sa concert; Jobert Sucaldito napaiyak sa galit | Bandera

Morissette negang-nega matapos mag-walkout sa concert; Jobert Sucaldito napaiyak sa galit

Ervin Santiago |November 07,2019
facebook
share this

Morissette negang-nega matapos mag-walkout sa concert; Jobert Sucaldito napaiyak sa galit

Ervin Santiago - November 07, 2019 - 03:28 PM

NEGANG-NEGA ngayon ang Kapamilya singer na si Morissette Amon dahil sa pagwo-walkout umano nito sa concert ng tinaguriang Hugot King ng OPM na si Kiel Alo.

Hindi kumanta si Morissette kaya nadismaya ang audience. Kung anu-ano na ang pinagsasabi nila laban sa dalaga at awang-awa kay Kiel na isa sa mga talents ng radio personality na si Jobert Sucaldito. 

Sa kanyang Facebook account, inilabas ni Jobert ang kanyang sama ng loob sa singer at ikinuwento kung ano ba talaga ang nangyari sa pagtalikod ni Morissette sa kanyang commitment. Narito ang ilang bahagi ng FB status ni Jobert.

“Ang dami nang naglalabasan tungkol sa di pagkanta ni ms. morissette amon sa birthday concert ng alaga kong si kiel alo sa music museum last night (november 6, 2019). 

“Medyo nakakagulat at nakaka-shock para sa aming lahat sa production ang mga naglalabasang dahilan. kaya here i am, masakit man sa loob ko to tell you the real story dahil sobrang mahal ko si ms. morissette pero kailangan kong sabihin ang totoo. 

“Yes, nakiusap ako kay anak-anakang david cosico, ang business manager ni ms morissette amon na mai-guest ito.sa birthday show ng alaga kong si kiel alo this  november 6 and i thought everything was just fine. nag-rehearse pa sila with out musical director (tito butch miraflor) that afternoon and so on and so forth. 

“To cut the story short, some 15 minutes before the 9pm concert, dumating ang imbitado kong si kaibigang mario dumaoal ng tv patrol para i-cover ang show and everything happened so fast. ininterbyu niya nang sabay sina morissette and kiel and they exchanged pleasantries sa short chikahan with mario. 

“Part of the question ni mario ay ang tungkol sa lovelife niya pero very casual na hindi naman bombarding at sinagot naman niya nang maayos. then sabi nga ni mario sana raw ay magkaayos na sila ng family niya and morissette said na ‘i’m praying po na maayos din ang lahat. in time,’ and basically wala na. in short, hindi naman masama ang pagtanong ni mario dumaoal – very decent, clean and simple.

“Then nag-start na ang concert namin. ang portion ni morissette kasi ay sa dulo – 2 spot numbers and a beautiful duet with kiel alo na ni-rehearse nga nila that afternoon with our musical director tito butch miraflor. lumapit sa akin si david cosico at nagri-request na baka raw puwede naming ilagay sa first part si morissette kasi tatakbo pa siya sa birthday party ng best friend daw nitong si moira. 

“In-explain ko kay david na mahihirapan kaming gawin ito dahil naka-sequence ang program namin. tsaka, we have to admit na si morissette ang star guest namin along with our veterans na sina tito jun polistico and ms. eva eugenio. finally ay naging okay naman. a few minutes after, mga 3rd song na ni kiel ay biglang hinila ako ni david sa labas ng theater at meron daw siyang malaking problema. 

“‘Hindi kayang kumanta ni morissette tito. mugtung-mugto na ang mata sa kaiiyak. she’s so devastated,’ bungad ni david sa akin. i asked why? ‘she felt so attacked daw sa ambush interview ni mario dumaoal sa kaniya,’ aniya pa. i told him that i was there nung interview and wala naman akong napansin na mali. 

“In short, ang pakiusap ni david ay kailangang umuwi raw ni morissette dahil sobrang sama ng loob at pakiramdam. after a while ay nakita ko si morissette sa backstage na humahagulgol at inuuntog ang ulo sa dingding. na-shock ako dahil paulit-ulit niyang inuuntog ang kaniyang ulo. what’s wrong with this girl?

“I asked david what’s the best thing to do. i gave him options – kahit isa na lang ang kantahin ni morissette ‘kako at manghingi na lang ng apology sa audience dahil masama ang pakiramdam niya. david said na hindi raw talaga kaya. Ibabalik na lang daw nila ang ibinigay kong honorarium. sabi ko, it’s not even about the honorarium – ang sa akin lang ay we have to save our faces to our audience. 

“May mga bumili ng tickets dahil excited silang mapanood si morissette sa show with kiel. nagbigay pa ako ng another option – kung hindi talaga makakanta si morissette, pumasok na lang siya sa stage and mag-apologize to the audience. hindi rin daw puwede. ‘ako na lang aakyat sa stage tito at mag-a-apologize sa audience tito’, david suggested. 

“Umokay pa rin ako kasi wala naman na akong choice pero dapat katabi niya ‘kako si morissette para makita ng mga tao na dumating nga siya sa music museum dahil kung siya lang ang makikita ng tao (david) sa stage ay useless iyon dahil hindi naman siya kilala ng public. ayoko ‘kakong isipin ng audience and sponsors ko na niloko namin sila – na ginamit ko lang ang name ni morissette para makabenta. hindi kami ganoon. and you know ‘kako, lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang mabibigat na problema pero pag committed tayo, the show must go on. mabait pa nga ako dahil kung iba iyon hindi talaga papayag. 

“I advised david na after ng production number ng boys (kiel, carlo mendoza, kyle matthew manalo and la santos) ay magbu-voice over ako backstage to introduce david and morissette para sa kanilang emergency announcement and apologies. ang ending, napilitan tuloy akong lumabas sa stage and started to apologize sa audience telling them na for some emergency health reasons ay di nga makakakanta si morissette – walang lumalabas na boses sa kanya and tinawag ko na silang dalawa. 

“Si david lang ang lumabas sa stage at nag-apologize. nakiusap akong ipakita si morissette sa tao – kahit sa gilid lang ng stage para di sila magalit siyempre sa akin – hayun at nakitang humahangos si morissette papalabas sa venue sa gilid na galit ang mukha. nakuhanan nga siya ni maine nieto ng video na tumatakbo papalabas. tumayo si mama daisy romualdez sa kaniyang kinauupuan at nagalit and said on top of her voice – ‘bakit ganyan siya, jobert? bakit ka niya ginaganoon?’ Then, tumayo si tita anabelle rama at nabuwisit din sa ginawa ni morissette. the venue was 80% full. can you imagine? dear friend joel cruz of aficionado was in shock too sa audience. 

“We work so hard  para makapagtawid ng kahit maliit pero matinong show. hindi man lang kami iginalang ni morissette – nabastos niya kaming lahat with this. saan ang paggalang niya sa mga seniors ng show? kay tito jun polistico? kay ms. eva eugenio? kay tito butch miraflor? kay kiel alo na pinaghandaan talaga ang duet nila ni morissette? sa mga co-artists niya? sa mga tao behind the production and most of all, to the audience na kahit sobrang traffic ay dumating para mapanood sila. anong ginawa mo morissette?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“With what you did morissette, sana may kumuha pa ng serbisyo mo. nakakatakot ka palang kunin for shows dahil pag nag-tantrum ka,” pagtatapos ni Jobert.

Wala pang inilalabas na official statement ang kampo ni Morissette tungkol dito. Agad na ilalabas ng BANDERA ang paliwanag ng dalaga hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending