Maine wala nang paki sa mga basher; sweet photo kasama si Arjo ibinandera sa socmed | Bandera

Maine wala nang paki sa mga basher; sweet photo kasama si Arjo ibinandera sa socmed

Jun Nardo |November 07,2019
facebook
share this

Maine wala nang paki sa mga basher; sweet photo kasama si Arjo ibinandera sa socmed

Jun Nardo - November 07, 2019 - 12:15 AM

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

TWINNING ang damit ng lovers na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa last picture na ipinost ng Dubsmash Queen sa kanyang Instagram.

Tila kuha ang litrato sa isang biyahe nila pero walang nakalagay na location sa simpleng caption nitong, “Happy birthday (with heart emoji)!”

Bukod sa mga fans nina Meng at Arjo, pinusuan at ni-like rin ito ng ilang celebrities tulad nina Carla Abellana, Angelika dela Cruz, Megan Young, Jake Cuenca, Liz Uy at marami pang iba.

Ayon sa komento ng isang netizen, hindi edited ang litrato at hindi basta basta spotted lang ang kuha ng dalawa dahil si Meng mismo ang nag-post nito. Meaning, hindi fake ang photo nina Arjo at Meng together.

Of course, may mga negatibo ring komento mula sa mga netizen na ayaw pa rin kay Arjo para kay Maine.

Uulitin namin, hindi bread and butter ni Meng ang pag-aartista kaya kahit ayaw ng ilan niyang fans kay Arjo siya pa rin ang masusunod kung sino ang gugustuhin niyang maging boyfriend, huh!

Well, hindi pa rin naman natin maiaalis sa mga tagasuporta ng Phenomenal Star na mabwisit dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin sila na sina Maine at Alden Richards pa rin ang itinadhana.

Wala namang masama sa umasa, ang masama ay ang mam-bully ng kapwa sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending