Vice Ganda: Quiboloy hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano at traffic sa EDSA | Bandera

Vice Ganda: Quiboloy hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano at traffic sa EDSA

Ervin Santiago - November 05, 2019 - 05:11 PM

VICE GANDA

DALAWA ang hamon ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kay Pastor Apollo Quiboloy, ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc..

Ito ay ang pahintuin ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at ang palala nang palalang traffic sa EDSA.

Bumandera ang pangalan ni Quiboloy sa mga pahayagan at social media matapos niyang sabihin na ipinahinto niya ang malakas na lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao nitong nakaraang linggo. Aniya, dapat daw siyang pasalamatan ng madlang pipol dahil sa pagsigaw niya ng “Lindol! Stop!”

Nabanggit naman si Quiboloy sa nakaraang episode ng It’s Showtime nang mapag-usapan nina Vice, Jhong Hilario at ng “Tawag ng Tanghalan” celebrity champions contestant na si Gian Magdangal ang seryeng dahil lahat sila ay naging bahagi ng programa.

“Naku, kabahan si Cardo!” ani Vice na ang tinutukoy ay ang karakter ni Coco sa serye. “Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol.

“Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan. So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!”

Hirit pa ng TV host-comedian, “Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic du’n! Iba ka Quiboloy!”

Bago ito, may ilang netizens na ang humamon kay Quiboloy na pahintuin din ang away ng Barretto sisters.

Balitang may apat na milyong miyembro sa Pilipinas at dalawang milyong tagasunod mula sa iba’t ibang bansa ang Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name. Habang sinusulat naming ang balitang ito ay wala pang mga miyembro ng grupo ang bumabatikos kay Vice dahil sa paghahamon niya kay Quiboloy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending