Horoscope, Nov. 6, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 6, 2019

Madam Sophia |November 06,2019
facebook
share this

Horoscope, Nov. 6, 2019

Madam Sophia - November 06, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magsuot lagi ng pula sa lahat ng dadaluhang mahahalagang okasyon. Oo, kapag naka-red ka mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mararanasan. . Sa lovelife, ang pula ang magpapalakas ng iyong libido at pang halina. Mapalad ang 3, 9, 18, 24, 33 at 45. Bukod sa red ang pink ay buenas. Swerte sa initial na Y. at G.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa lovelife, lalong iinit ang pakikipag-relasyon habang nalalapit na angkapaskuhan, pagbigyan ng pagbigyan ang kasuyo upang lalong sumarap ang pagmamahalan. Sa pinansyal at kadatungan, tuloy-tuloy langang pasok ng malaking halaga ng salapi sa kabang-yaman. Mapalad ang 6, 17, 28, 29, 39, at 46. Green at purple ang buenas. Swerte sa initial na R. at A.

Taurus – (April 20-May 20)—Tularan mo ang mga bulaklak – maganda! Kapag laging maganda ang iniisip gaganda rin ang iyong kapalaran. Paganda din ng paganda ang dating ng suwerte at magandang kapalaran habang nalalapit ang buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 12, 22, 34, 45 at 49Lilac at red ang buenas. Swerte sa initial na C. at D.

Gemini – (May 21-June 21)—HIndi dapat magpabebe, ang pagbabago-bago ng isip ang magpapahina sa iyong diskarte. Kung ano ang unang maisip, gawin agad. Sa lovelife, hindi darating ang masarap na romansang hinihintay, ngunit sa pinansyal, malaking halaga ng salapi ang mahahawakan bago matapos ang buwan ng Nobyembre. Mapalad ang 8, 19, 22, 29, 39 at 49. Maroon at white ang buenas. Swerte sa initial na B. at G.

Cancer – (June 22- July 22)—Puro ka na lang pantasya at pangarap na hindi naman nagkakatotoo! Mas mainam pang, isulat mo na lang ang kakaibang mga bagay na laman ng iyong isipan at gumawa ka ng libro. Sa ganyang paraan, mas magiging maligaya ka at kikita ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 43 at 44. Green at violet ang buenas. Swerte sa initial na M. at F.

Leo – (July 23 – August 22)—Palaguin ang iyong kabuhayan sa pamamagitan ng mga negosyong may kaugnayan sa kapaskuhan – ipatupad mo na ngayon, at makikita mo malaking halaga ang iyong maibubulsa. Sa lovelife, walang duda, isang Sagittarius ang magbibigay sa iyo ng sarap at ligaya na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo, Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Pink at yellow ang buenas. Swerte sa initial na J. at B.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ituloy lang ang iyong binabalak, wag matakot. Gagabayan ka ng isang kapwa mo Virgo – maraming salapi ang darating at maligayang pag-ibig ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 25, 33, 40 at 45. Green at blue ang buenas. Swerte sa initial na L. at S.

Libra – (September 23-October 23)—Sa lovelife ituloy ang pagiging romantiko at caring upang muling mag-init ang relasyon. Sa pinansyal, mag lunsad ng isa-isang negosyo sa bawat taon upang magtuloy-tuloy ang pagyaman. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Purple at lilac ang buenas. Swerte sa initial na D. at P.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa biglaang pagkikita ng dati mong crush. Sa pinansiyal, aangat ng mabilis ang kabuhayan, pero dapat unahan muna ang pagse-savings. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Green at red ang buenas. Swerte sa initial na G. at W.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit walang gaanong pera, kakaibang sigla ang madarama. Isipin mo na lang darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga utang. Sa lovelife, ibuhos ang tiwala sa kasuyo upang wag masira ang relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Magenta at gold ang buenas. Swerte sa initial na O. at G.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung nagpapagawa ng bahay, iharap sa silangan ang pintuan upang mas mabilis kang uunlad at upang maging malusog ang bawat miyembro ng pamilya. Sa lovelife, laging buksan ang bintanang naka-harap sa silangan, upang lalong uminit ang relasyon. Mapalad ang 3, 8, 27, 35, 40 at 48. Red at lilac ang buenas. Swerte sa initial na T. at M.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sama ng loob ang magpapahamak sa iyo. Mula ngayon, batitiin ang bawat araw ng may pag-ibig at pagmamahal sa iyong kapwa. Sa ganyang paraan, maraming mga biyaya at pag papala ang kusang darating. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Beige at lilac ang buenas. Swerte sa initial na R. at N.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa panahong ito na nagsisimula na ang pasko, unti-unti ka ng susuwertehin. At sa sandaling tumodo na ang lamig at nagsisimoy pasko na ang hangin, mas maraming suwerte at marami pang mas magagandang kapalaran ang sa iyo ay kusang darating. Mapalad ang 1, 9, 28, 33, 45, at 49. Red at purple ang buenas. Swerte sa initial na B. at S.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending