Marjorie hindi tatantanan nina Claudine at Greta; tuloy ang giyera | Bandera

Marjorie hindi tatantanan nina Claudine at Greta; tuloy ang giyera

Cristy Fermin |November 05,2019
facebook
share this

Marjorie hindi tatantanan nina Claudine at Greta; tuloy ang giyera

Cristy Fermin - November 05, 2019 - 12:35 AM

INDAY AT MARJORIE BARRETTO

Tahimik na ang kapaligiran ni Marjorie Barretto. Kasama ang kanyang mga anak ay balik na sa normal ang kanyang buhay, masakit pa rin niyang inaalala ang pagkawala ng kanilang ama, pero tuloy ang buhay.

Madalas niyang nakakasama ngayon ang kanyang ina, marami silang retratong magkakasama sila ng kanyang mga anak na si Mommy Inday Barretto ang nasa pinakagitna, masayang-masaya ang kanilang pagsasama-sama.

Pero habang bumabalik na sa normal ang kanyang buhay ay nililigalig pa rin siya ng mga kapatid niya.

Wala yatang masyadong pinagkakaabalahan sina Gretchen at Claudine kaya siya pa rin ang pinaglalaruan ng mga ito.

Ang pinakahuli ay ang video kung saan pinalulutang ng mag-utol na siya ang nagsabing sasapakin niya ang isang nagngangalang Inday. ‘Yun daw ba ang mabuting anak – makakayang sapakin ang kanyang ina?

Sa isang panahon na ang akala ng publiko ay nagsawa na sa pag-aaway ang magkakapatid ay hindi pa rin pala. Kumbaga sa bagyo ay meron pa palang buntot ‘yun.

Hindi basta inupuan lang ni Marjorie ang bagong pambu-bully ng kanyang mga kapatid, sinabi niya na kailanman ay hindi niya maaaring saktan ang kanyang ina nang pisikal, maliwanag ‘yun.

Ayaw na niyang makisali pa sa mga dirty tricks ng kanyang mga kapatid, kulang na lang na sabihin ni Marjorie na bahala na ang Diyos sa kanila, kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkasawa na sa kung anu-anong kuwentong ibinabato laban sa kanya nina Gretchen at Claudine.

Umaasa na lang siguro siya na isang araw ay lalabas at lalabas din naman ang katotohanan. ‘Yun lang ang makapagsasalba sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending