Claudine kay Marjorie: Isinusumpa ko, hinding-hindi mo na masasaktan si Mommy!

By Ervin Santiago November 03,2019
share this

Claudine kay Marjorie: Isinusumpa ko, hinding-hindi mo na masasaktan si Mommy!

By Ervin Santiago November 03,2019
share this

SIGURADONG may pasabog na resbak si Marjorie Barretto sa inilabas na video ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing video, mapapanood si Marjorie kausap ang kanyang mga anak. Maririnig dito na gustong “sapakin” ni Marjorie ang inang si Inday Barretto.

“We’re leaving Dad. Super drama to death si Inday. Baka masapak ko. Sapakin mo nga para sa akin,” ang sabi ni Marjorie.

Maririnig din ang anak ni Marjorie na si Dani na nagsabing, “I’m so pissed.”

Narito naman ang caption ni Claudine sa nasabing IG video, “Wow. That’s what you call a GOOD DAUGHTER? I will always be a REAL GOOD DAUGHTER!”

“I thank God I was not there to witness this, ‘di ko pipigilan sarili ko,” dagdag pa niya.

Burado na ang unang post ni Claudine sa kanyang IG pero may isa pa siyang video na ipinost kung saan mapapanood ang interview ni Marjorie sa isang news program. May caption itong, “My Heart breaks for my mom.

Although this didn’t surprise me bcoz she does this all the time. Earlier this year she was going to hurt my mom physically & in so many more times.

“Now that my Dad is not around i promise on my father’s grave that this will never happen again. #gooddaughter.”
Hindi naman nabanggit ni Claudine kung saan kinunan ang video pero kung titingnang mabuti tila sa loob ito ng ospital habang naka-confine ang yumao nilang amang si Mike Barretto.

Dagdag pa niya, ito rin daw yung araw kung saan napag-usapan ng kanyang nanay at ni Marjorie ang tungkol sa bahay ng amang si Mike Barretto na magiging kapalit umano ng pagbibigay ni Julia Barretto ng P500,000 para sa hospital bills ng kanyang lolo.

Sa huli, nagpasalamat din si Claudine sa taong nagpadala sa kanya ng nasabing video.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Marjorie na ang kanilang nanay ang tinutukoy niya sa video. Aniya, never niyang tinawag na Inday ang ina.

“Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito. And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother. My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her.

“Let this be known to all that My Mom and I are on good terms. There are far more important matters happening in this country like earthquakes. Enough of the Barretto family problems. I don’t want to take part anymore in their dirty tricks, tactics, and cyberbullying.

“In the meantime, I hope those who took those videos and continue to spread them online are aware of Republic Act 4200. Ayon po sa batas, it is clearly illegal to record someone (audio and video) without their consent.

“Siguro po dapat kumuha muna sila ng magaling na legal advice bago nila inilalabas ito maliciously and out of its real context,” bahagi ng statement ni Marjorie na lumabas sa isang entertainment website.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending