Julia buhay pa, hindi napabagsak nina Claudine at Greta | Bandera

Julia buhay pa, hindi napabagsak nina Claudine at Greta

Cristy Fermin |November 02,2019
facebook
share this

Julia buhay pa, hindi napabagsak nina Claudine at Greta

Cristy Fermin - November 02, 2019 - 12:01 AM


KUMBAGA sa puzzle na nagkalasug-lasog ay unti-unti nang nabubuo uli ang imahe at kumpiyansa ni Julia Barretto.

Ganu’n lang naman talaga ‘yun. Masarap lang panoorin ang mga senaryong kinapapalooban ng mga kilalang artista pero meron tayong sariling paninindigan sa mga nagaganap.

Naging negatibo ang image ni Julia mula nang masangkot siya sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, maraming nakisawsaw sa pinagpistahang kontrobersiya, tustado ang pangalan ni Julia.

Lalong naging malaking kanegahan para sa magandang dalaga ang mga kuwento ng pakikihalo niya sa away ng kanyang ina at mga tita, pinagtulungan siyang pabagsakin nina Gretchen at Claudine, pero nu’ng bandang huli na ay hinusgahan ng kapalaran ang kanyang pangalan.

Ngayon ay taas-noo na uling makahaharap sa publiko si Julia Barretto, lumabas na ang mga kuwento sa baul na nagiging tagapagtanggol niya sa mga negang isyung ipinukol laban sa kanya, napakaagang pumagitna sa giyera ng dalagang ito.

Sabi ng kaibigan naming propesor na walang pinaligtas na isyu tungkol sa mga Barretto, “Sa bandang huli naman talaga, e, lalabas at lalabas ang totoo!

“Hindi puwedeng basta manahimik na lang ang mga taong may alam at nakakaalam ng katotohanan. Look at Julia, ibang mga tao pa ang nagtanggol sa kanya, ni hindi nga niya kilala ang mga kababayan nating nagpatotoo kung gaano kaganda ang puso niya!

“Masarap talagang kakampi ang panahon!” tanging nasabi na lang ni prop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending