ABC president, 1 pa patay sa shootout vs PNP | Bandera

ABC president, 1 pa patay sa shootout vs PNP

John Roson |November 01,2019
facebook
share this

ABC president, 1 pa patay sa shootout vs PNP

John Roson - November 01, 2019 - 04:10 PM

NAPATAY ang pangulo ng Association of Barangay Captains ng Balud, Masbate, at kanyang kasama nang makipagbarilan umano sa mga pulis nitong Huwebes.

Napatay sina Dante Hernal, chairman ng Brgy. Salvacion at incumbent ABC president ng Basud, at kasama niyang si June Ibañez, ng Brgy. Tungao, sabi ni Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-12:25 ng madaling-araw, sa Brgy. Mapitogo.

Bago ito, nagsagawa ang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group-Masbate at Provincial Mobile Force Company ng operasyon kontra iligal na sugal sa naturang lugar, ani Calubaquib.

Nang aalis na sana ang mga operatiba, hinarang at pinaputukan sila ng mga sakay ng isang itim na Mitsubishi Strada at isang motorsiklo, aniya.

Dahil dito’y gumanti ang mga tauhan ng CIDG at PMFC, hanggang sa matagpuang patay ang dalawang tao na sa huli’y nakilala bilang sina Hernal at Ibañez, ani Calubaquib.

Nakuhaan si Hernal ng isang telescopic Carbine rifle na may magazine, habang isang Carbine rifle na may dalawang extra magazine ang narekober kay Ibañez, aniya.

Nakatagpo rin sa pinangyarihan ng isng kalibre-.45 pistola, motor na walang plaka, at mga bala’t basyo ng baril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending