JOHN LLOYD sa pagpapakasal kay ANGELICA: Pwede siyang mangyari next week o next year!
“Basta darating din tayo sa kasalan!” Yan ang siniguro ni John Lloyd Cruz nang tanungin kung feel na niyang lumagay na sila sa tahimik ni Angelica Panganiban. Wala raw kasing target date o target age ang aktor pagdating sa pag-aasawa.
“Sa totoo lang talagang mahirap mapag-usapan ang marriage sa edad ko. Like most of my friends, kung hindi kasal, may anak na o pamilya na. Kaya lang, kami talaga hindi pa namin napag-uusapan or wala ng kailangan pag-usapan, parang ganun.
Puwede siyang mangyari next week or puwede siyang mangyari next year. “Kailangan ko na pala makipag-usap sa wedding planner. Ha-hahaha! Kasi matagal daw yun eh. At kailangan ko din magpa-reserve sa church.
No, but honestly, wala akong target date or age for that matter. Wala talaga. When it happens, it happens,” hirit nito. Dagdag pa nito, “Hindi naman yun nawawala sa picture because I’m very much committed to her and siya din ganun, hindi mawawala yung image na yun.
Basta I’m in a commitment so it’s hard not to see your partner with your long-term plans in life. Parang kasama na yun dun.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.