Derek may advocacy sa pagpatol sa bashers; Hindi papayag mabastos si Andrea | Bandera

Derek may advocacy sa pagpatol sa bashers; Hindi papayag mabastos si Andrea

- October 29, 2019 - 12:55 AM

DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES

 

NA-SHOCK sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa naging reaksyon ng mga tao tungkol sa pag-amin nila sa estado ng kanilang relasyon.

At mas lalo pang umingay ang kanilang love affair nang mag-post ang Kapuso hunk ng kissing photo nila ni Andrea sa kanyang Instagram account. May mga kinilig at nag-congratulate sa kanila pero marami rin ang nam-bash, lalo na sa aktor.

Sa panayam ng GMA 7, inamin nina Derek at Andrea na hindi niya in-expect na pag-uusapan pa nang bonggang-bongga ng publiko ang relasyon nila ni Andrea at ang

“You know the funny thing is? Ako, I don’t feel na ganu’n. Minsan naano pa rin kami tuwing may nakikita kaming headline about it. It feels normal kasi,” pahayag ng Kapuso actress.

Chika naman ni Derek, nakagugulat na ganu’n katindi ang impact sa mga tao ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Andrea. Feeling niya, wala namang masama kung maging magdyowa sila because they are both single.

“Ako, na-shock ako na, ‘Wow! May pasabog ko? I didn’t intend to do that. It’s just like a post that I did and then, ‘Oh god! What did I just do?’” lahad ng hunk actor sa nasabing panayam.

Sa huling panayam namin kay Derek sinabi niyang hindi mahirap mahalin si Andrea dahil bukod sa napakabuti nitong tao ay napaka-sweet pa sa lahat ng mga nakakasama at nakakatrabaho nila.

Ayon naman kay Andrea, dedma na lang sila sa mga nangnenega sa kanilang relasyon, ang mahalaga ay masaya sila ni Derek ngayon at nag-eenjoy sila sa kanilang pagbabakasyon matapos ang kanilang teleserye sa GMA, ang The Better Woman kung saan nagsimula ang lahat.

Nagpasalamat naman si Derek sa lahat ng mga sumusuporta at natutuwa sa kanilang love story, “I mean, it’s so nice to get these compliments from all the people who love us. Yeah, we have the bashers but that’s normal ‘ you can’t please everyone.

“I mean, as long as they say it in a respectful manner, you can’t please everybody. Pero ‘yung iba, medyo bastos na. Hindi na opinyon yun eh, ‘di ba?” aniya pa.

Marami rin ang pumupuri kay Derek dahil talagang ipinagtatanggol nito si Andrea sa mga bashers, “Yeah, I answer them back.

“In all honesty, just to see if maybe I can help them change their ugali not for them to like me. Because I’m sure I’m not the only person na ginaganyan niya, e.

“So, baka makatulong lang ako na maayos ‘yung ugali niya. Kasi, kung dumami ang mga taong ganyan, our world is dead and it’s sad.

“You can say your opinion naman in a respectful manner but some of them nambabastos na lang. So, okay basahin ko, reply, tapos,” lahad pa ni Derek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending