True ba, Catriona Gray mae-extend ang pagiging Miss Universe?
THE buzz weeks ago was that posible raw na ma-extend ang reign ni 2018 Miss Universe na si Catriona Gray dahil wala pang kumpirmadong host country nito para sa taong ito.
This year’s oldest pageant in the world (este universe) has South Korea welcoming the representatives mula sa iba’t panig ng mundo, kabilang ang ating kinatawan na si Gazini Ganados.
Sa kabisera nitong Seoul gaganapin ang 2019 MU, the same capital city which hosted the 1980 pageant kung saan ang ating pambatong si Rosario “Chat” Silayan (SLN) finished third runner-up.
Buwan ng Hulyo ‘yon na napatapat na birth month ni Chat, who became quite close to us as her younger brother Manolo was a friend back in college. It was in April 2006 noong i-cover namin para sa Startalk ang kanyang wake (she died of colon cancer) at the Heritage Park.
Bagama’t matunog nang sa Seoul idaraos ang MU this year, wala itong denial nor confirmation. Also eyed as this year’s host country was South Africa.
Siyempre, walang dudang buhay na buhay na naman ang sankabaklaan come the pageant, this December na rin ba tulad noong isang taon?
Much-awaited ang farewell walk ni Catriona, kung paanong pinananabikan ding masaksihan what will come next after the tsunami walk, the lava walk, etcetera, used to describe the sway of hips at bagsak ng katawan ng ating mga pambato sa entablado.
Batay sa mga photos ni Gazini on social media, mukhang she’s a candidate to watch out for at least among the Asian beauties. After all, over the recent years the eyes of the world (este universe din pala uli) are on the Filipina bets, hindi lang sa Miss U kundi sa iba pang timpalak on a global scale.
No, we’re no rebid pageantologist. But pageants—both local and international—isama na ang mga nasa barangay level o binakuran lang ng mga dahon ng saging at pinalamutian ng iba’t ibang kulay na crepe paper—never fail to get our fancy.
Since SoKor ang host country whose pop culture we have embraced —from music to food—tiyak na isa sa mga early favorites si Gazini.
May tsansa kayang siya ang koronahang ikalimang Miss U? We can only pin our hopes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.