HOROSCOPE July 29, 2013 | Bandera

HOROSCOPE July 29, 2013

Madam Sophia - July 29, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Kung patuloy kang tutulog-tulog, matutulog din ang magandang kapalaran sa pansitan. Pasiglahin mo ang iyong pakiramdam. Bukas ng umaga, gumsing bago simikat ang araw, upan marami kang magawa. Mapalad ang 7, 19, 28, 32, 34, at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” White at yellow ay buenas.             
Aries – (Marso 21-April 19)— Kapag alam mo ng mali hindi mo na dapat gawin. Wag mahirati sa pangungutang na may malaking tubo. Sa pag-ibig, wag na uling lolokohin pa ang kasuyo, baka siya mapuno, tuluyan ka na nyang iwanan. Mapalad ang 3, 6, 18, 22, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kung gusto mong yumaman, okey lang kung medyo chubby. Karamihan sa mga yumayaman ay nagiging mataba, habang ang mga payat na Taurus ay malabong yumaman. Sa pag-ibig, mas masarap ding kayakap ang bilugan kaysa sa patpatin. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaan-Nama-Om.” Violet at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Bukod sa t-shirt na puti, tulad ng Virgo, ang mga Gemini ay sinusuwerte sa alahas na silver. Yan ang lagi mong isuot upang madagdagan ang iyong salapi at higit na mas maging mapusok ang romansa. Mapalad ang 5, 8, 17, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Yara-Om.” Bukod sa white, ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Hindi mo ba napapansin higit kang mas mapalad sa iba? Wag malungkot, panahon na upang magsaya! Sabi nga, bilangin mo ang mga blessings na dumarating sa iyong buhay, kaysa kung ano-anong negatibong bagay ang iniisip mo. Mapalad ang 2, 7, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Hindi ka naman dapat umimbento ng kuwento para paniwala ka. Ipatupad ang kasabihang “be yourself” upang umunlad ka at lumigaya. Sa pag-ibig, magpakatotoong lagi sa minamahal. Mapalad ang 4, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gold at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Unahing tapusin ang mahalaga, upang hindi masira ang schedule. Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang tungkol sa pera at sa pamilya. Mag-concentrate sa dalawang bagay na nabanggit upang habang buhay kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Hindi dapat masilaw sa kinang ng salapi! Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera! Ang tapat at wagas na relasyon ay walang katumbas na halaga – mahalin ng lubos ang kasuyong Aquarius, dahil pinagtitiyagaan ka nya, kahit ganyan ka! Mapalad ang 1, 4, 25, 34, 43, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Gopalago.”  Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Alam mo bang higit na sinusuwerte ang isang Scorpio kung mahaba ang buhok? Kung ikaw naman ay isang lalaki, magpatubo ng bigote. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Name-Om.”  Magenta at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May mangungutang na naman, ipaliwanag sa kanyang wala siyang maaasahan, dahil tulad niya baon ka rin sa utang. Mag-ipon upang kapag dumating ang kagipitan, may madudukot ka! Impluwensyahan din ang kasuyo na mag-tipid. Mapalad ang 2, 8, 19, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—‘Wag matigas ang ulo! Tandaang kahit ano ang mangyari ang tama parin ang mananaig sa bandang huli.  Sa pinanasyal at pag-ibig, laging lumagay sa mabuti at tuwid na pamumuhay upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 44, at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Maroon at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Simple lang ang pormula upang lumigaya! Sundin ang tinitipok ng puso, sa ganyang paraan sa pag-ibig at salapi magtatagumpay ka. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Yellow at lavender ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  ‘Wag bumigay sa mga problema. Alalahanin mong: “May bukas pa!” Sa pag-ibig, ano ang malay mo pagising mo bukas ng umaga, mag text na siya. Sa pinansyal, ano malay mo sa katataya sa lotto bigla kang tumama ng jackpot! Mapalad ang 7, 9, 12, 29, 33, at 45. Mahawiga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending