Ruru inatake ng matinding nerbiyos at hiya nang unang makaharap si Jasmine | Bandera

Ruru inatake ng matinding nerbiyos at hiya nang unang makaharap si Jasmine

Ervin Santiago - October 27, 2019 - 12:55 AM

RURU MADRID AT JASMINE CURTIS-SMITH

INAMIN ni Kapuso hunk Ruru Madrid na inatake siya ng matinding nerbiyos at hiya nang makaharap na si Jasmine Curtis sa unang araw ng shooting nila para sa pelikulang “Cara X Jagger.”

Ito ang una nilang pagtatambal sa movie pero nagkasama na sila sa weekly drama-fantasy series ng GMA 7 na Daig Kayo Ng Lola Ko. Sa pagkakaalam namin, nauna nilang ginawa ang “Cara X Jagger” kesa sa DKNLK.

Kuwento nina Ruru at Jasmine, bilang bahagi ng pre-production, sumabak sila sa workshop para mas ma-develop ang kanilang on-screen chemistry.

“Nu’ng una talaga, sobrang nahihiya ako kay Jasmine. Sobrang kabado akong makaharap siya kasi sobrang fan niya ko dahil sa mga ginagawa niyang mga projects.

“Pero noong time na sinabi sa akin ng facilitator na mag-sweet-sweet-an kayo, bigla na lang nag-trust siya sa akin. Ibinigay niya sa akin ‘yung tiwala niya bilang kanyang leading man,” kuwento ng Kapuso actor sa nakaraang mediacon ng “Cara X Jagger.”

Pagpapatuloy pa niya, “Noong ginawa niya ‘yun, sabi ko sa sarili ko, bakit pa ko mahihiya sa kanya. Ang ginawa ko, tinaggap ko lang ‘yung trust niya at nagtiwala din ako sa kanya. I think ‘yun din ‘yung sikreto dahil kaming dalawa sobrang pinagkakatiwalaan namin ‘yung isa’t isa.”

Gagampanan ni Ruru sa pelikula ang karakter ni Jagger, ang binatang nawalan ng alaala matapos maaksidente. Si Jasmine naman ay si Cara, ex-girlfriend niya na hinding-hindi makakalimot sa mga nangyari sa kanilang relasyon.

Sa pakiusap na rin ng pamilya ni Jagger, babalik si Cara sa buhay ng kanyang ex-BF para tulungan itong maibalik ang kanyang mga alaala.

***

Samantala, umaasa naman si Jasmine na matutuwa at maa-appreciate ng publiko ang pelikula nila ni Ruru dahil talagang pinaghirapan nila ang bawat eksena rito para maging unforgettable rin ang experience ng lahat ng manonood sa “Cara X Jagger”.

Nagpasalamat din si Jasmine sa direktor nilang si Ice Idanan dahil hindi ito nagdamot sa pagtanggap ng mga suggestion mula sa kanila ni Ruru, “That’s what she wants talaga on the set, marinig niya ‘yung thoughts din namin. Minsan, bago siya mag-explain ng atake niya, she wants to hear kung paano namin na-register sa sarili namin ‘yung eksena.”

“We start to talk about it. We’ll do one take, siguro ‘yung atake ko. And then the second, we’ll do hers para we can see which works best. Ire-review namin afterwards sabay-sabay,” lahad pa ng award-winning actress.

Feeling ni Jasmine, dahil dito talagang napaganda pa ang kanilang pelikula, “She’s the type who wants to make you feel included in the process and to make you feel na though she’s the director it’s teamwork. That’s what makes the dream work.”

Makakasama rin nina Jasmine at Ruru sa pelikula sina Michelle Dee, Sophie Albert, Gabby Padilla, Kenneth Medrano, Dante Rivero, Dino Pastrano at Miko Raval.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Cara X Jagger” sa Nov. 6 sa mga sinehan nationwide, mula sa APT Entertainment at Cignal Enterntainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending