Halloween OOTD ni Zia Dantes bentang-benta sa netizens | Bandera

Halloween OOTD ni Zia Dantes bentang-benta sa netizens

Bandera - October 27, 2019 - 12:20 AM

ZIA DANTES

Wala talagang kupas ang pagiging trending at social media influencer ng panganay na anak nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Muling nahumaling ang mga netizens sa cute na cute na photo ni Ate Zia na ipinost ng kanyang proud Mommy sa Instagram kung saan game na game siyang nag-wacky pose sa kanyang Halloween OOTD!

Sa caption litrato, sinabi ni Marian na gawa raw sa recycled items ang costume na isinuot ni Zia, “Boo!

Freaky clown costume made with recycled materials for school today. Congratulations anak! #MariaLetizia.”

Sa comments section, pati ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Jeric Gonzales at Joyce Ching ay aliw na aliw din sa bagets.

Matatandaan noong mga nakaraang taon ay pinabilib ni Zia ang kanyang followers at fans sa kanyang Halloween costume bilang sina Joker, Marilyn Monroe, Pocahontas.

Bilib na bilib naman ang mga mommy kay Marian dahil kahit na busy siya sa work nagagawa pa rin niyang maglaan ng panahon para karirin ang mga costume ni Zia lalo na sa mga special school events ng kanyang anak.

Kaya naman ngayong 2019 Holloween, siguradong marami na namang na-inspire sa costume at OOTD ni Zia at malamang marami ring bata ang gagaya sa kanya bilang isang social media influencer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending