GOOD morning po! Ako po si Johaney I. Duquiatan. Ask ko lang po, galing po kasi kami sa GSIS Plast July 25, 2019, bale nag-report po tatay ko kasi di siya nakapunta ng birth month nya which is June, kaya po ng july di na nya nakuha ung pension nya or walang dumating.
Galing po kami dun at nagreport nga ang tatay ko na si Napoleon Inaanuran at ang sabi po sa amin after 2 weeks matatanggao na niya yung july pension na di nya natanggap. Pero as of now po, di pa rin nya natatanggap. Anong petsa na, Sept 2, 2019 na.
Inabot na po ng isang buwan. Tumawag po kami sa GSIS call center ang sabi balik daw kami sa GSIS near us(as if lakad lang e ang hirap ng senior citizen kasama mo dalawa pa. Ang tanong ko po bakit ganon? Pano kung sobrang hina na ng pensioner tapos need or required pang pumunta sa GSIS OFFICE?
Napakalaking abala po bukod pa sa magagastusan at mapapagod pa nga parents ko pagpunta! Bakit ganito ang system natin?
REPLY: Ito po ay tugon sa liham ni Johaney Duquitan, na nalathala sa iyong kolum sa Bandera noong 18 Oktubre 2019. Nais po naming ipabatid sa inyo na sinagot na ni GSIS Lucena Branch Manager Marian Ignacio ang nasabing liham. Naka-attach sa email na ito ang sagot ni Mgr. Ignacio.
Sa liham ni Mgr. Ignacio, ipinaliliwanag kay Mr. Napoleon Inaanuran, ama ni Ms. Duquitan, na naputol ang kanyang pensiyon para sa buwan ng Hulyo 2019 dahil hindi siya nakag-report sa pinakamalapit na GSIS sa buwan ng kaniyang kapanganakan (Hunyo 2019) ayon sa patakarang sinusunod ngayon ng mga pensiyonado sa ila-lim ng Annual Pensio-ners’ Information Revalidation (APIR) ng GSIS. Nakapag-APIR si G. Inaaanuran noong Hulyo 2019 na.
Gaya rin ng nabanggit namin sa liham sa kanya, nang muling mag-update ng system ang GSIS kamakailan, lumitaw na may naiwan siyang policy loan balance na Php673.91. Bukod dito, nakita rin ng GSIS na hindi pa pala siya nakapag-aapply ng life claim, kung saan maaari sanang ibawas ang nasabing loan balance. Isa rin ito sa mga dahilan ng pagkakasuspinde ng kaniyang pensiyon.
Nais din po naming ipabatid sa inyo na kung may may dinaramdam at hindi na kayang magbiyahe ng pensioner u-pang personal na makipag-transaksyon sa GSIS, maaari siyang magpapunta ng kanyang representative dala ang dalawang valid IDs ng pensioner at representative at authorization letter na may pirma nilang dalawa. Kapag naman hindi na kayang mag-APIR ng pensioner dahil sa lagay ng kanyang kalusugan, maaari siyang mag-request ng home visit. Ang requirements ng home visit ay ang mga sumusunod: (1) sulat na nagre-request ng home visit na may nakasaad na buong pangalan ng pensioner, birthday, kumpletong address (na may kasamang sketch) at contact number; at (2) medical certificate o barangay certificate na nagsasaad na ang pensioner ay residente sa address na pinadala niya.
Sana po ay malinaw naming naipaabot sa inyo ang buong pangyayari sa kaso ni Mr. Inaanuran. Nawa’y mabigyan ninyo ng sapat na espasyo ang aming tugon sa inyong kolum para sa kapakananan ng mga GSIS members, pensioners at kanilang mga kamag-anak na kabilang sa maraming tumatangkilik sa Inquirer Bandera.
Maraming salamat.
Sumasainyo,
MERCEDITA IRENE D. TAYAG
Manager
Corporate Affairs Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamama-gitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.