Lovi, Joem iba’t ibang uri ng sex ang ginawa sa ‘Annulment’
Maraming paandar na maiinit na lampungan sina Lovi Poe at Joem Bascon sa latest Regal movie na “The Annulment.” Iba’t ibang klase ng sex ang ginawa nila sa kanilang pelikula.
Pero ang pinag-uusapan ngayon ng netizens ay ang romansahan nila sa banyo habang bumubuhos ang shower, huh!
Aminado naman si Lovi na komportable na siya sa ganoong mga eksena lalo pa’t kaibigan niya ang kapareha niya. Ilang beses na kasi silang nagkatrabaho ni Joem sa pelikula.
Subalit ayon sa Kapuso actress, ibang image ang pino-portray niya sa big screen sa image niya sa totoong buhay.
“It’s true! Mahiyain talaga ako. In real life mahiyain talaga ako! Ha! Ha! Ha!” sey ni Lovi nang makausap namin sa presscon ng “The Annulment”.
“Its hard for me to do but then again, ‘yung tiwala ako sa leading man ko kaya komportabe ako na gawin siya. Kumbaga hindi ko napi-feel na I’m being taken advantage of because at the end of the day my full trust is with them,” pahayag pa ni Lovi.
Depensa pa ni Lovi sa matitinding love scenes nila ni Joem sa movie, it’s more than just a sexy film, “We’re not doing love scenes just for the heck of it of doing love scenes.
“It was more about showing different stages of love, like honeymoon stage, making love when you’re angry or when you’re bored, different stages of love.”
Sa tanong kung marrying type ba siya? “Sa akin, option lang ang marriage only if you find the right person. Kasi parang I will not give in to what society wants just because society is telling you that you get married.
“I believe you should only get married if you find the right person or when you’re with the right person kasi at the end of the day ikaw rin ang mahihirapan along the way when you realize na sana hindi ko na lang pinursue kung hindi ako sigurado!” katwiran ni Lovi.
“The Annulment” also stars Myrtle Sarrosa and Laura Lehmann at sa direksyon ni MacArthur Alejandre. Showing na ito sa Nov. 13 mula sa Regal Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.