Sigaw ng fans kay Pacquiao: huwag isusuko ang laban ni Gen. Malvar!
MAKAKASAMA ng Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao ang ilan sa mga kapamilya ng National Heroes of the 1896 Philippine Revolution sa biopic ng bayaning si Gen. Miguel Malvar.
Ibinandera ito ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., apo ng National Hero na si Gen. Malvar at may-ari ng JMV Film Production na siyang magpo-produce ng true-to-life story ng kanyang lolo.
Ayon kay Villegas, na siya ring co-founder ng Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikan Filipino, 1896 (KAANAK, 1896), the official organization of descendants of National Heroes recognized by National Historical Commission (NHC) headed by Roy Daza, bubuo sila ng joint committee para sa nasabing proyekto.
Isa na rito ang pakikipagtulungan kina Imelda Papin, President of Actors Guild at line producer ng “Malvar” at award-winning director Jose “Kaka” Balagtas, para pumili sa mga National Hero descendants na bibigyan ng special role sa “Malvar”.
Makakasama rin nila sa grupo si former PNP Director Gen. Edgar Aglipay, Kaanak 1896, Chairman at apo ng Revolutionary Hero na si Gen. Gregorio Aglipay, General Chaplain of Philippine Revolutionary Republic Forces during the command of Gen. Malvar in the 1896-1902 Philippine-American War.
Si Roy Daza, na apo ng Revolutionary Hero na si Col. Eugenio Daza who commanded the Filiino forces against the Americans in the world famous Balangiga Samar Battle, ay isa sa mga descendants na mapapanood sa “Malvar.”
Isa sa mga magiging highlight ng pelikula ay ang Balangiga Massacre na kumitil ng 50,000 kalalakihan ng Balangiga dahil sa kagagawan ng mga Amerikano.
Ayon pa kay Atty. Villegas, ang buong cast ng “Malvar,” kasama ang mga artistang gaganap ng mahahalagang papel bilang Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, Luna, Gregorio del Pilar, Emilio Jacinto, Sakay at Quezon, ay ipakikilala sa publiko sa mismong Bonifacio Day, ika-30 ng Nobyembre, 2019, sa Aberdeen Court, Quezon City.
Kung matatandaan, naging issue ang pagpili kay Pacman bilang Malvar matapos kumontra ang ilang kamag-anak ng heneral. Ayaw raw nilang isang politiko ang gumanap sa life story ni Malvar.
Hati rin daw ang mga Batangueño sa pagganap ng senador sa biopic ng heneral. Pero naniniwala ang fans and supporters ni Pacman na mabibigyan niya ng hustisya ang karakter na ipinagkatiwala sa kanya.
Ayon naman sa manager ni Manny na si Arnold Vegafria, “Manny did not volunteer for the job and he is not even spending a single centavo for this venture. Hindi siya mag-i-invest dito, talent lang talaga siya and he was asked to do the role.”
“Para kay Sen. Manny non-issue sa kanya whether siya gumanap na General Malvar or ibang artista,” sabi naman ni Jake Joson, isa sa malalapit na kaibigan ni Pacman.
Pero para sa loyal fans ng senador huwag siyang papayag na ibigay sa iba ang proyekto dahil siya ang original at dapat panindigan niya ang mga taong nagtiwala sa kanya.
At alam n’yo ba na may mga Hollywood films daw na tinanggihan si Pacman para lang magawa ang “Malvar”? “Minsan lang sa buhay natin darating ang offer na gampanan ang buhay ng isang hero, at ‘di ko ito palalagpasin!”
Balitang ido-donate rin daw ni Pacman ang magiging talent fee niya sa pelikulang ito sa kanyang mga foundation at hindi na didiretso sa kanyang bulsa kaya siguradong maraming matutulungan at malayo ang maaabot ng kanyang TF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.