‘Sana mabuntis agad si Angel para makahabol kay Marian!’
NAGBIGAY ng update si Dimples Romana tungkol sa kasal ng kanyang BFF na si Angel Locsin at ng film producer na si Neil Arce.
Ine-enjoy na raw ni Angel ngayon ang preparasyon para sa kanilang wedding matapos makapagpahinga ng ilang araw dahil nga tapos na ang The General’s Daughter.
“She’s opting to rest a little bit actually, hindi pa nga pahinga kasi aasikasuhin niya ang kasal nila. I’m just here to support her, we have lots of friends lalo na ang bridesmaid at maid of honor niya na tutulong sa kanya and she knows that naman,” sey ni Dimples.
Sa naglabasang balita, kung hindi raw November, baka December maganap ang bonggang wedding nina Angel at Neil. Mukhang plano munang ilihim ng magdyowa ang mga detalye about their wedding.
Sabi nga ni Angel, “Honestly, hindi namin masabi, malalaman niyo na lang siguro.”
Wish naman ng kanyang fans sana raw ay mabuntis agad si Angel para makarami sila ng baby ni Neil. Siguradong maganda rin daw ang lahi ng future husband and wife tulad nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.