Carmina sa mga intrigera: Mabait si Ninang Kris, alam ko mahal niya ako
NAKIUSAP si Carmina Villaroel na huwag na siyang ikumpara sa tinaguriang Horror Queen na si Kris Aquino.
Ang pelikula niyang “Sunod” ang ipinalit sa “Kampon” ni Kris bilang official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival kaya naman siguradong matinding pressure ang nararamdaman ngayon ni Carmina.
Na-disqualify kasi ang “Kampon” matapos ma-technical dahil sa pagpapalit ng leading man ni Kris from Derek Ramsay to Gabby Concepcion.
Sa nakaraang presscon ng MMFF 2019 para sa announcement ng last four movies na papasok sa taunang filmfest, sinabi ni Carmina na nakausap na raw niya si Kris bago pa mapili ang “Sunod” bilang replacement ng “Kampon”.
“Magka-text kami ni Ninang Kris kasi nga nag-message ako sa kanya regarding that tapos sumagot siya, sabi niya sa akin, ‘Sana inaanak kayo yung makapasok doon.’ ‘Ay naku Ninang, sana nga magdilang-anghel ka.’ So nagdilang-anghel nga siya.
“Nag-congratulate din siya sa akin, so alam ko naman ng sincere at very… siyempre mabait si Ninang Kris, kahit hindi kami nagkikita alam ko na inaanak niya ako. Alam ko na mahal niya ako at alam ko na sincere yung kanyang pagko-congratulate sa akin,” chika pa ni Mina.
At sa tanong nga kung matindi ang pressure na napi-feel niya bilang ang horror film nga ni Kris ang pinalitan nila,
“Ay, huwag na lang nilang i-compare. Kumbaga, iba siya, iba ako, di ba? Wala naman sigurong dapat i-compare because nagkataon lang na parehong horror yung amin. At saka hindi lang naman kami yung horror na pinagpilian, meron ding iba pa.
“Ayokong mag-isip ng pressure or ng expectations kasi ayokong maglagay ng pressure sa akin na, ‘Ah, ako yung pumalit kay Kris Aquino.’ Hindi, wala kasi dapat ganun, dapat walang ganun. Wala akong pinalitan.
“Basta ako nag-enjoy lang saka first time ng director namin na ma-experience ang Metro Manila Filmfest, and ako naman, like I said, dalaga pa ako nung huli akong nag-filmfest,” lahad pa ng aktres sa isang panayam.
Samantala, na-happy naman ang fans ng Social Media Queen sa latest post niya sa Instagram. Mukhang unti-unti na ngang nakakabawi ng energy si Kris base na rin sa kanyang aura ngayon. Sabi nga ng kanyang IG followers blooming siya at kitang-kita ang happiness sa kanyang ngiti.
“It has been awhile since ….. i smiled not because i had to show i was brave, but because i am honestly looking forward to what tomorrow brings.
“I’m wondering… what’s taken a bit longer than you expected, but you’re GRATEFUL is FINALLY in your life, NOW?” ang caption niya sa kanyang litrato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.