Iranian beauty queen hindi pinayagang makapasok sa PH
HINDI pinayagang makapasok ng Pilipinas ang isang Iranian beauty queen dahil sa ipinalabas na red notice ng Interpol, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na base sa impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI), may nakabinbing red notice laban sa beauty queen na si Bahare Zare Bahari dahil sa kasong assault na inihain laban sa kanya ng kapwa Iranian.
“The said assault incident allegedly happened in the Philippines,” sabi ni Perete.
Ipinaliwanag ni Perete na hindi deportasyon ng nangyari sa Iranian beauty queen.
“While the exclusionary proceedings against her has been terminated, Bahare remains in BI custody and could not be sent back to Iran as she has filed an application for asylum,” ayon pa kay Perete.
Sinabi ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina na dumating ang beauty queen sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) mula sa Dubai noong Oktubre 17.
Idinagdag ni BI Naia Terminal 3 Head Bradford Allen So na nagwala si Bahare at kanyang kaibigan na Iranian na si Minbashi Moeini Morteza, kung saan pumasok ang huli sa restricted areas ng airport.
“Morteza was unruly. He was able to enter restricted areas at the airport, collect the luggage of Bahari, and sneak into the immigration arrival area to personally fetch his compatriot, surprisingly without an airport pass,” sabi ni So.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.