Malditang youngstar palaban: Walang takot na ginantihan ang mga tiyahin

By Cristy Fermin October 20,2019
share this

Malditang youngstar palaban: Walang takot na ginantihan ang mga tiyahin

By Cristy Fermin October 20,2019
share this

NAWINDANG ang mga miron sa paligid nang makita at marinig ng mga ito ang pagtungayaw ng isang magandang young female personality sa isang sagradong pagtitipon.

Nu’n lang sila naniwala na may angkin ngang kamalditahan ang youngstar na matagal nang napapabalitang suplada at mahirap pakibagayan.

Kuwento ng aming source, “Confirmed! May kaangasan nga ang young female personality, sweet lang tingnan ang beauty niya, pero maldita talaga siya!

“Hindi rin kasi dapat sumasali ang mga bata sa diskurso ng mga nakatatanda. Pero iba ang bagets na ito, talagang join siya sa gulo, siya pa nga ang bumabandera, sa totoo lang!” unang komento ng aming impormante.

Mas ipinakita lang ng teenstar na totoo ang matagal nang mga kuwentong tumutukoy sa kanyang kamalditahan. Ang iba nga ay hindi pa naniniwala dahil parang hindi makabasag-pinggan ang bagets actress pero nasa loob pala ang kanyang kulo.

Patuloy ng aming source, “Matindi ang inis sa kanya ng mga relatives nila dahil nu’ng walang-wala ang family niya, ‘yung pinagsasalitaan niyang girl ang nagsalba sa kanila.

“Pinatira sila ng tita nila sa isang house na napakaganda, walang upa buwan-buwan, sagot pa nga ng tita niya pati ang kanilang lafang!

“Kahit man lang sana dahil du’n, e, hindi na lang siya nakihalo pa sa gulo. Pinabayaan na lang sana niya na ang matatanda sa pamilya nila ang mag-away, pero wala siyang pakialam, to the rescue siya sa mommy niya na ang feeling niya, e, pinagtutulungan ng mga tita niya!

“Kunsabagay, may pinanggagalingan din kasi ang pakikihalo sa gulo ng bagets, ang mismong mga taong kalaban ng mommy niya kasi ang kumampi sa kalaban niyang female personality sa controversy.

“Sabi siguro ni bagets, e, ‘yun na ang pagkakataon, makakaganti na siya sa mga tita niya, kaya nakihalo na siya sa gulo! Palalampasin pa ba naman niya ang pagkakataong ‘yun?

“Ano sa palagay n’yo, Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, may karapatan bang makihalo sa gulo ng matatanda ang bagets actress na itey?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending